entry na bawal sa bata

pen .. may topak yung external hard drive ko, may clicking sound sya pag inaaccess ko yung mga files, hindi ko naman sya ipinapasok sa ibang usb ports, demet’
.. patnubay ng magulang ay kailangan, tulad ng isang tipikal na usapang medikal, medyo graphic ang entry na ito, pero walang kabastusan dito, kaya please lang iwasan sana nating pagtawanan ang isang taong may karamdaman, salamat.
ang totoo’ may UTI ako sa UTIn, ang sakit, nagsimula to nung isang araw habang nasa opisina pa ko, di ko pinansin kahit sa loob ng 8 hours halos limang beses syang basta na lang kumirot’ pag uwi ko konting pahinga at dahil day off ko, diretso gimik na’ dahil umuulan at medyo malayo ang cr dun sa bar’ pahirapan umihi.. kaya ang resulta, ngayon kahit hindi ako naiihi, sumasakit sya’
pag umihi ako parang may natitira sa loob at sumasakit ang urethal opening ko (bwahah nasa pict) tapos mga ilang minuto lang feeling ko naiihi na naman ako at parang sasabog yung pinaka ulo nya’ pag punta ko naman sa cr, konti lang ang lalabas tapos yung pakiramdam ng pinapasukan ng bolpen yung pinaka butas nya.. ang sakit’
ilang beses na rin ako nagkaron ng UTI dati, pero ngayon lang ako nakaranas ng ganito na ulo yung sumasakit, dati kse sa may parteng betlog lang..
naisip ko siguro kulang na ko sa tubig, sa loob kse ng 8 hours ko dito sa opisina, ang kalimitang naiinom ko lang, isang boteng gatorade at isang boteng redbull, tumawag na ko samin kanina para itanong yun sked ng duktor namin, natatakot akong baka pag ihi ko basta na lang malaglag yung pinaka ulo.. demet’
habang nasa bus ako at namimilipit kanina, nililibang ko ang sarili ko at naisip ko kung anong posibleng magiging usapan namin nung duktor.

dok: hmm dun sa ihi na ipinasa mo, mukhang may buo buo na parang malauhog na buko
jon: hmmmm
dok: eka, alam ko na kung ano to’ kelan ba kayo huling nag ano ni misis
jon: dok, di ko na po maalala e
dok: ahh so malamang kaya sumasakit yan kse kulang ka sa anuhan, bumabara na sa may ulo.. bwahahahah
jon: pero dok, araw araw naman tuwing naliligo ako nagsa saltik ako, at dalawang beses po ako maligo sa isang araw
dok: loser..

.. para kong may dysmenorhea, tangena bakit ako pa? ano ba naman katawan to, kundi sira ang tyan may tama ang ano.. lahat na lang ng pasakit dinadaanan ng katawan ko, minsan naiisip ko siguro sa mga dating buhay ko isa akong hudyo na ang trabaho e mamugot ng ulo ng mga kristyano, kaya ganito kahirap ang mga pinagdadaanan ko ngayon..
baka naman pag nabitin ka pa dito e almoranas at pigsa naman sa pwet ang iregalo mo sakin.. wag naman! bigtihin mo na lang kaya ako?

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

23 thoughts on “entry na bawal sa bata”

  1. sabaw ng buko lang ang pinanggamot ko dati nun nagkaganyan ako, araw-araw inom ka lang ng sabaw ng buko, malay mo epktib din sa’yo. wag mo nga pala lalagyan ng asukal, basta purong sabaw lang ng buko.😀

  2. yan pala tsura ng UTIn, ngayon ko lang nakita ng malapitan…parang kinalawang na sky rocket na hindi nakalipad at biglang natumba.

    wawa ka naman, idol.

    “natatakot akong baka pag ihi ko basta na lang malaglag yung pinaka ulo.. ” — suggestion ko, palibutan mo muna ng sotch tape yung pinakaleeg ng ulo nya tuwing iihi ka at baka nga naman malaglag. at baka pag minalas ka pa nyan….nahulog nga…tas nung pupulutin mo na ang ulo ay unti unti syang natutunaw sa iyong mga palad.

  3. hahahahhhha. Natawa ako dito:

    “baka naman pag nabitin ka pa dito e almoranas at pigsa naman sa pwet ang iregalo mo sakin.. wag naman! bigtihin mo na lang kaya ako?”

    hahahah. nakarelate tlga ako noh? hehe, Anyways naaalala ko dati yung kausap ko ang nurse kong fwend, sabi nya, di nmn daw talaga dapat nag kaka UTI ang mga boyz. madalas lng sa girls kase raw ehhh malakas raw ang defens naten este nyong mga boyz sa infection sa bututoy.

    Ako din meron nararamdaman parang nitutusok ako sa loob somewhere in urether (o taray! urether!). Natatakot ako magpaduktor kase bka merong sabhin na di maganda. May sira din yung tenga ko, utak at kung anu anu pa. Malamang barubal din ako nung past life ko kaya heto, nilalapastangan ng karma ang sexy body ko…

    Sana gumaling nako noh. haha talagang sakin ang huling pagdadalamhati.

  4. imferness ha, medyo ok ang illustration mo, talagang navisualize ko ng husto kung ano ang pinaguusapan…

    hmmm… pano ba to, UTI-prone din ako, bising jon… pwede mo b kong gawan ng ganito para sa bebot at ng madiscuss ko rin sa blog ko ang UTI naman para sa babae?😀

  5. Ouch…Masakit daw yan lalo na sa boys…try to take 1capsule ng Cotrimoxazole at least once a week kahit na wala na ung sakit…parang maintenance,panlinis sa loob ng katawan para rin maavoid ang paglabas uli ng UTI. Buco juice is also good di lang para magamot ang UTI kundi para rin malinis ang kidneys…Lots of water and avoid carbonated drinks ang junk foods or anything na mataas ang uric acid level at asin. Ingatz!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s