ms. interpret

ano ang magandang sagot na hindi naman nakaka offend, sa tanong na “nanliligaw ka ba sakin?” .. kung sa totoo wala ka namang kabalak balak manligaw talaga, okei, biniro kita sa room.. kumagat ka at pwede mong sabihin na pinaasa kita, pero apat kayo sa room na biniro ko ng ganun at ikaw lang ang naglitanya ng “pwede ba jon, pm mo na lang ako kse nakakahiya sa kanila” nyay! .. di pa rin ako nag pm di ba? hindi pa ba malinaw yun?
kahapon para akong nagliligaw ng pusa habang tinanong mo ko ng ganun, sinagot ko na lang na “mahirap sagutin yang tanong na yan ng hindi naman ako handa sa magiging resulta, basta kung ano yung alam mo, kung ano yung pakiramdam mo, pabayaan na lang muna natin na ganun” may mali ba sa isinagot ko? nag BRB ako para lang makaiwas at kse hindi ka na rin nagsasalita.. nagyosi ako, pagbalik ko parang nanunumbat na yung nasa status mo na alam ko naman na patama sakin, tipong “kung akala mo maisasama mo ko sa laro mo, nagkakamali ka” epek’ sows! maisasama? laro? inaano kita?
sa isip ko, kung gusto kita wala ng timing timing pa, sunggab agad, pero hindi talaga e’ naisip kong ayoko namang pumasok sa isang relasyon dahil lang napasubo ako o ayoko namang sirain yung tiwala ni mrs. cabron dahil lang nagkahiyaan ng umatras..
gusto kitang maging kaibigan okei, hanggang dun lang yun’ kung hindi ka sanay sa mga birong ganun at madali kang bumigay, sorry na’ di na mauulit.. basta sa ngayon hanggang yun lang ang kaya kong maioffer sayo.. nakita ko nga pala yung picture mo kahapon.. at dun ko napatunayan lalo sa sarili ko na tama nga yung naging desisyon ko at sigurado akong wala akong pagsisisihan dun, friend.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “ms. interpret”

  1. Actually Jon, namisinterpret mo rin si Ms. Interpret. Noong itanong niya na “nanliligaw ka ba sakin?”, sa tingin ko ang ibig nya talagang sabihin ay “sige ligawan mo ako, gusto ko yan pero kunwari ayaw ko.” E kaso di ka pala nanliligaw, nagalit tuloy siya… Tapos nakita mo ang picture… Now there’s the rub! Hahaha!😀

  2. masaya rin pala dito parang ka-level ni azrael din ang mga entry…
    actually 220 nga ang nsabi ni Ms. Jovi.. gusto nyang ligawan siya kaya lang na-busted mo siya agad… kaya ayun nasakatan… dapat talaga sa mga girls matuto munang makiramdam.

  3. mr. cabron may mga babae talagang madaling ma mis-lead sa mga sinasabi at ginagawa ng mga lalaki. Minsan kasi simpleng thoughtfulness o kunting sweetness kala na nila may gusto yung guy….at siguro nga type ka nya kaya sya na ang nagtanong kung nililigawan mo ba sya (for sure winiwish nya that time na sana oo isagot mo!)

    ang anghang ng ending..he..he..he..

  4. nyaaaaay’ pano ako magiging habulin ng tsiks sa chatroom e sabi nga ni “antuken” antipatiko ang dating ko’ .. nabuwisit lang ako sa kanya kse ginanun nya ko nung hindi nya nakuha yung gusto nyang sagot sa tanong nya,
    hindi ako chickboy o nagpi feeling chickboy.. nyay’

    tsaka nadine, bakit di mo ko subukan? wraaaaar!

    * lahat ng nagpalink, add ko na kayo’

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s