isang order pa ng chopsuey

hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magtae ang isang ama na ang hangad lang naman e magtrabaho ng walong oras para may maihanda sya sa hapag kainan ng pamilya nya..
wala na kong duda na totoo nga siya, iniisip ko kagabi pa kung kelan ko kaya maisusuot yung bago kong jacket, pinaulan nya kanina bago ako pumasok, salamat jebus!
putarages! hindi bagay sa pantalon ko yung jacket ko.. yung luma na lang tuloy ang sinuot ko..
may nagreact akong kaibigan tungkol dun sa skwater, para daw ang matapobre ng dating, nagaksaya pa sya ng load para itext ako.. hindi na ko nagreply’ hindi ko trabaho sa mundo ang magaksaya ng pisong load para lang katukin ang sintido ng isang kaibigan na kasing babaw ng platito ang utak..
grade 5 ako nung nadiskubre ko ang riles, yun yung mga panahon na ang mga pinsan kong mga kabatch ko e walang ginawa sa eskwelahan nila kundi magsasayaw, bukod sa matigas ang katawan ko at wala akong lakas ng loob na kumendeng kendeng sa harap ng maraming tao, nababaduyan ako kaya naghanap ako ng ibang mundo at ibang mga creatures na makakasalamuha, nakilala ko sa riles ang mga nuknukan ng tapang at mga pasaway na kabataan, nakita ko sa tramo ang maduduming lugar at napakaduming pagkatao, pero binabalik balikan ko pa rin yung lugar na yun hanggang 4th year high school ako, sa lugar na yun na karamihan iskwater talagang maituturing, ang salitang iskwater ay nagiiba ng kahulugan.. ang taong walang modo, walang respeto at umaastang walang pinag aralan.. “iskwater” ang tawag’ kaya pag sinabihan kita ng iskwater, wala akong pakialam sa antas ng kabuhayan mo, yung ugali at asal mo ang tinutukoy ko nun! malinaw? good’
at ginoong karunungan, wag mo nga akong makorek korek sa mga pinagsusulat ko dito, at wag mo kong diktahan ng kung ano lang ang pwede kong isulat dito at alin ang bawal, atsorry dahil hindi ako natatakot sa demanda demandang putarages na yan, dahil blog ko to at ako ang DIYOS dito..
tuwang tuwa siguro si virjie sa dami ng hits ng friendster nya ngayon.. haays kung alam nya lang’
also, salamat sa dalawang babaeng to’ nakaka dagdag sigla kayo sa pagba blog ko kahit na madaming kups, at nakakadagdag hila kayo sakin para bumangon sa umaga’
salamat, salamat!

1_
eto pa sa loob:

2_
ang sisweet’ .. mali mang sabihin to dahil hindi ko pa naman kayo masyadong kakilala pero, mahal ko na kayo!
salamat ulit mga mommies! ang mga tulad nyo ang nagsisilbing chaser ko sa mga mapapait na humaharang sa byahe ng buhay ko’
baduy? wala kang paki! ganun ko gustong magpa impress sa mga visitors ko, wag ka mangelam..

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

19 thoughts on “isang order pa ng chopsuey”

  1. Di pa man ako Mommy, sali na rin ako sa pans klab mo! Galing kasi ng mga post mo, riot pero hindi bobo! =)

    Salamat sa pagbisita!

    Gaya nga ng sabi ko sa blog ko, “you made my day, again!”

    ==
    ganun ba? actually yang mga style na ganyan talaga ang ginagamit ko sa mga nagiging chicks ko sa internet, also, wanna go out? lawls

  2. ako rin, fan mo jon cabron. di man ako nagkocomment sa lahat ng posts mo, andito lang ako, umaantabay sa susunod mong masterpiece! hahaha.

    ==
    * tinatakpan ng gitnang daliri at palasingsingan ko ang mga labi mo
    sssshh. wag ka ng magsalita..

  3. sa tagal ko ng umi-istambay dito sa criblog mo ngayon lang ako iiwan ng bakas. Bilib ako sa lalim at lawak ng bokabolaryo mo. Lupet mo talaga ser sa pag-express ng nilalaman ng iyong alpha A & B tagos sa buto ng pakwan mga blog mo kaya isama mo ko sa mga kasapi at kakampi mo sa paglipon ng mga: kasamaan; pa-cute; amoy tuta; lalu na sa mga nang-aapi; pasaway; ISKWATER, etc.

    Salamat ser, hanggang sa muli, samantala…tutugisin ko pa tong bus

    ==
    bwaha! salamat bro! tama! tugisin silang lahat na humaharang sa dadaanan natin! tanong lang.. ahhhmm are we drugs?!

  4. kahit ang unang impression ko sa yo ay antipatiko (when i first saw you sa conf), makikisama na ako sa pagsabi na nage-enjoy ako magbasa ng posts mo. tagos sa buto ba.
    eniwei, i tagged you. nawa’y di mo po isnabin. bisita ka naman sa blog ko para malaman ang detalye.๐Ÿ˜‰ <— o, ginagaya kita ha. hehe.

    ==
    antipatiko porke’t ayaw lang kitang patulugin nun? bwahah’
    tnx sa tag, bubwelo muna ko para dyan’ salamat! ..
    hindi pa rin ako naniniwalang naka sando ka lang pag natutulog..

  5. Saludo ako sa yo Jon Cabron! Bukod sa marami kang fans na magagandang babae (tulad ko), ikaw lang ang blogger na alam ko na napagsasama ang mga salitang “magtae” at “hapag kainan” sa iisang paragraph pero hindi nakakasuka. Nangasim lang ako ng konti…

  6. ayaw mo ko patulugin? that wasn’t the first time ano. hehe. eniwei, hindi lang talaga sando lang suot ko pag natutulog. naka-panty rin. hahaha. want proof? hah! di pwede. gagalit si fafa. hehehe.

    ==
    di pa rin ako naniniwala..

  7. Hi Jon! I was surprised when my bestfriend told me about my post appearing on your blog. I appreciate it really but it kind of took away our anonymity. This is actually the first time I commented in your blog since I intended to remain a lurker. But don’t worry, you’re still our favorite blogger.๐Ÿ™‚

    ==
    edit ko na mam, nakakatuwa lang na nag comment ka sakin nilagay mo rin link ng blog mo, nyway’ inedit ko na lang din, salamat at sensya na’

  8. Ako un bestfriend… hehe.

    Salamat at tinakpan mo ang pangalan namin. Naloka ako ng bumulaga yun picture namin sa blog mo. Nyay! Kakatakot! Hahaha. Baka makita ako ng iba naming kaibigan at mabisto ang aking sikret identity. Nagtangka pa kaming magkonek sa apartment namin nun weekend para mag-comment pero lintik na smart yan, bulok! Sayang ang pinapasaload ko sa mama ko. Mabuhay ang Globe!

    Oh well, anuman ang mangyari at malaman man ng madla ang aking tunay na pagkatao, fan mo pa rin ako Manong Jon Cabron. Bow.

    ==
    bwahahah! salamat, at sensya na talaga.. manong ampft! lols’

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s