chopsuey

dalawang araw ng kulang ang tulog ko, limang oras nung monday at halos apat na oras na putol putol pa kanina, dagdag pahirap pa tong sipon ko.. lalong nakakapanlata’ hanggang ngayon iniisip ko pa rin na hindi sinadya ni papa jebus na magkasipon tayo, kumbaga isa to sa bug ng pagkakaprogram nya satin, grabe akong sipunin nanghihina ako ng sobra’
dalawang magkasunod na araw na din akong nagpupunta sa mall pagkatapos ng trabaho, nung lunes, nagkita kami ng pamilya cabron sa MOA, para bumili sana ng sandals ko, at maggala, pero napudpod na yata yung paa namin wala kaming nakita, nag ice skating ang anak ko.. nakakatuwa’ mukhang mawiwili sya, pero baka sa southmall na lang sa las pinas para mas malapit, bago yun, sumakay muna sya sa isa sa pinakanakakalungkot na carousel na nakita ko sa buong buhay ko.. singwenta ang bayad’
tapos kagabi, nagpunta ako ng alabang town center at dun ko na nakita ang hinahanap kong birkenstock’ uso pa ba yun? wala kang pakialam!
.. nakita ko pala si jinky pakyaw sa MOA, mukha syang bakla.. magandang bumbaying bakla,
kailangan kong umuwi ng maaga mamaya’ bukod sa nasa 2 to 10 shift si mrs. cabron at walang maiiwan sa anak ko, dahil may gimik si ginang cabron, parang nararamdaman kong kailangan ko ng sobrang mahaba habang tulog ngayon kung gusto ko pang makapag blog ng hanggang isang taon pa ulit,
may gimik ako bukas, first time ko makikipag meet sa isang clan ng chatters, hindi ako kasali sa group nila, mangge gate crash lang ako, hindi rin nila alam na blogger ako, at ampapangit nila..
ang ganda nung isang telephone operator dito samin, ang sarap maggawa ng pc sa may likod nya.. anlagkit nyang tumingin at simpleng naglalabanan kami kung sino ang unang yuyuko o iiwas ng tingin pag nagkakatitigan kami, andami kong nagagawang kwento sa isip ko pagnaggagawa ako sa likod nya, haaaays hindi nakakasawang isipin ang mga posibilidad na pwedeng mangyari…

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

9 thoughts on “chopsuey”

  1. marami na rin naglalaro sa isip ko sa posibleng gawin mo habang nasa likod ka ng telepon operator nyo. btw, sana babae ang tinutukoy mong operator. yakk!

    opsss! sabi mo nga pala na “maganda”. sori. pero maganda rin naman si jinky pakyaw… pero mukhang bading pa rin sau kamo. ayan! napansin ko ang sobrang lalim ng mga binitiwan kong komento sa post na ‘to. am sure naiintindihan mo. puyat din ako. pis!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s