nawala ang celfone ko!!!! .. kanina’

pagbaba ko sa bus sa vito cruz madilim dilim pa kaninang umaga papuntang opisina, kinapa ko sa bag ko yung fone ko, gusto ko malaman ang oras, kung may panahon pa ko magyosi at mamili ng jip na bakante sa unahan, inikot ikot ko yung kamay ko.. sa kaliwa nakapa ko yung cable ng fone na nakapulupot ng pabilog, sa kanan yung charger ng mp3 player ko, sa konting usog pa ng kamay pakaliwa ng konti yung coin purse ko, konting pakanan yung lalagyanan ko ng gamot pag natatae ako, sa pinakailalim yung wallet kong malaki.. putarageseseses! nawawala yung celfone kooooooooooooo!!!
ako ang taong iniisip kong mali ang timpla ng gumawa sakin, may mga pagkakataon na tipong makarinig lang ako ng utot sa tabi ko, halos pumutok na lahat ng ugat sa batok at leeg ko sa galit at pagka OA, pero madalas nag salpukan na ang dalawang bansa sa harapan ko pero no reaction lang ako.. ewan ko kung mabagal madigest at maabsorb ng naturalesa ko ang mga bagay na ganun o talagang pinrogram ako para ganito lang, parang nakatanga lang’
ang unang ginawa ko nung nakapa kong wala yung fone ko, isinalpak ko yung mp3 player sa tenga ko, itinodo ko yung volume, nagsindi ng sigarilyo at pinara yung paparating na jeep na saktong walang nakaupo sa unahan, pagbaba ko sa taft, pumunta sa convenient store, bumili ng isang 3 in 1 na kape, isang pakete ng sunflower pizza flavor cracker, isang gatorade at isang red bull, tapos naglakad patawid, sumakay ng pedicab.. naglakad papasok ng opisina.. nag swipe ng id,naglakad sa hallway.. pagdating ko sa loob ng opisina at nakita ko yung kasamahan ko na papalitan kong naka duty.. “putang ina nawawala yung telepono ko,, putages” .. sobrang late reaction ampotah’
tawag ako samin.. masyado pang maaga, antagal sagutin ni ginang cabron, naka anim na ring siguro bago pupungas pungas na sinagot, sabi ko nawawala yung fone ko, paki check muna dun baka naiwan ko lang, tawagan nila para mag ring.. naka hang yung landline narinig ko nagkakagulo na, ginising na si mrs cabron.. tapos narinig ko sa mismong bag ko.. sa kabilang bulsa.. andun yung fone ko’ .. bago pala ako umalis at humabol pa ng isang upo sa inidoro, pinakialamanan ni mrs cabron yung bag ko, nagtanggal ng basura at naglipat ng gamit.. walang kwentang asawa’
matapos kong sigawan at sisihin si mrs cabron sa telepono at matapos din akong sigawan at laitin ng gng cabron dahil sa pangiistorbo sa tulog nya, nagpaalam na ko at ibinaba na namin yung landline..
nagtext ako sa nanay ko

JON: that mrs cabron person, so dumb

ang luka luka nagreply

GINANG CABRON: and c happens to b ur wife, dumb husband deserves one.

ngayon ko naisip kung bakit ganito ako magsalita sa kapwa ko, at kung bakit ang bilis ko magisip ng kalokohan.. at kung bakit hindi nya ko pinapalo nung bata ako pag bastos ang bunganga ko.. walang respetong nanay sa anak nya!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

16 thoughts on “nawala ang celfone ko!!!! .. kanina’”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s