chi ki ni ni

hickiehindi ko na alam kung anong oras ako natapos mag inom nung blog anniv ko, basta nagising na lang ako sa mga yakap at halik ni mrs. cabron kinabukasan, habang binubulungan nya ko ng “baby, day off na natin.. wraaaar” ako naman syempre tulugtulugan para hindi matapos ang moments, sya naman “uuuy ayaw magising ng baby ko.. eka nga..” at pinupog nya ko ng halik sa leeg, alam nya kse na malakas ang kiliti ko dun.. pero tiniis ko, gusto kong hintayin kung ano pa ang mga susunod na gagawin nya.. maya maya nag angat sya ng ulo, binali ang leeg ko pakaliwa.. narinig kong huminga sya ng malalim, sunod sunod.. at biglang nakarinig na lang ako ng isang malakas na lagapak at naramdaman kong namanhid ang pisngi ko at may tumulong kapirasong luha sa gilid ng mga mata kong nakapikit galing sakin, at bago ko pa maidilat ang mata ko, sinalubong na naman ako ng isang malakas na batok sa noo, gumulong ako pabagsak ng kama para lang makalayo sa isang babaeng tigreng umaapoy ang mata, tinanong ko kung anong problema, tuliro pa ko sa antok at lagapok..
tinanong nya ko kung san ako galing kagabi, sinabi ko na hindi naman ako lumabas, sabi nya sinungaling daw ako at pinaharap nya ko sa salamin, pati ako nanlaki ang mata sa nakita ko.. OMFG!!! meron akong chikinini sa leeg!!!!!! san galing to? san ako galing kagabi? nyay!
wala akong alam, wala akong natatandaan.. balak kong mag bar hopping nung gabing yun pero wala naman akong naisama, binalak ko rin magpamasahe sa suking masahihan ko pero di naman ako tumuloy dahil nalasing nga ako..
sinabi ko na baka may succubus na nakipag anuhan sakin sa panaginip pero kahit ako hindi ko tatanggapin yung ganung paliwanag kung ako yung nasa katayuan nya, walang pinagkaiba yun sa bente syete anyos na lalaking sinabihan mong wag iihi sa puno dahil lalawlaw ang betlog nya, gusto kong isipin na paso lang to ng sigarilyo pero hindi e, putaragis!!! sinong makapangyarihan ang nanamantala sakin! please magpakilala ka, at kamusta naman ako? ten ang pinakamataas, okei naman ba?

* kagabi habang kinakalabit ko sya nung tulog na ang anak namin,

JON: hi, day off natin.. pag di tayo natuloy ngayon, next week na naman to
(6am -2pm ako, 11pm – 7am kse sya)

MRS. CABRON: tumigil ka, di ba sabi mo nireyp ka ng maligno? o pwes baka may sakit yung maligno na yun, mahawa pa ko!!! (sabay talikod at talukbong ng kumot)

JON: may mga pagkakataon na mahirap ipaliwanag, at isa ito sa mga putarages na pagkakataon na yun..

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “chi ki ni ni”

  1. Wag kang mag alala Jon, kakausapin ko si Mrs. Cabron. Ako ang saksi sa hindi mo pag alis ng bahay nung isang gabi. Pero kinaklaro ko lang, hindi ako succubus at nasa Tarlac ako ng mga oras na un…😛

    ==
    pwede ba pag kinausap mo sya wag ka magdadamit ng seksi.. tsaka sinabi ko kse na yung jovi na kausap ko, ang tunay na pangalan e jovito, sorry na’

  2. ako magbibigay-liwanag sayo…Tinext mo ko ng gabing yun at pinagyabang mo na na…..wala lang makahirit lang ako…labyu!

    ==
    hindi totoo yaaan! at kung sakaling totoo yan, wag ka na lang maingay!

  3. tsk tsk tsk.. naaalala ko tuloy nung umuwi ako tapos nakita ni mama na meh chikinini ako, sabi ko na lang na baka kagat yun ng insekto kasi nga namamahay ako pag sa ibang bahay nagssleep over..

    nyahaha, ikinagulat ko na lang nung bigla humirit si mama ng “ahh, mukha kasing chikinini eh, kala ko chikinini..” bwahahaha..

    sino ang salarin kaya nyan? tsk tsk tsk.

    ==
    bwahah!

  4. hala. si jovi lang pala ka-date mo. baka sa kalasingan mo di mo na alam kung ano nagawa mo. mag-RH daw ba naman. sinumpa ko na ang RH eh. 2 beses ko pa lang sya na-try inumin. at both times, windang ang lola mo. total black out. baka ganun din nangyari sa yo. hahaha.

    ==
    wala lang ako sa mood uminom nung mga oras na yun, dati pag nakainom ako ng dalawang mucho na redhorse, kinakailangan ko pang umikot ng umikot ng nakatuwad para lang mahilo ako at antukin..

  5. hahaha! mahirap na sitwasyon nga yan pre..times like this you need juicy..

    anlaki ng chikinini! halimaw may gawa nyan…nakow baka nasupsop ka na ng bakla di mo pa alam.

    ==
    alam ko ang supsop ng bakla at ng hindi, okei! .. ahhhhm nabasa ko sa libro’

  6. waaaaaa.kala ko pa nmn nakaiskor ka kay misis cabron…yan napapala mo…hahaha…sino kaya may gawa nyan????

    ==
    ewan ko talaga.. haaays mahina ang isang buwan na naman na parang dalagita sa ethiopia ang seckslife ko nito

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s