isang taon

anniv_aksidente kong napansin nung isang araw na november 7 2006 pala ako nag create ng blog sa wordpress at unang nagpost ng kauna unahan kong entry dito, ibig sabihin isang taon na si jon cabron.. walang kwenta yung unang post ko actually at siguro sobrang kupal lang ng pakiramdam ko nung mga panahon na yun sa taong yun kaya naisipan ko maggawa ng blog, nauna pa yata yung post kong rant na yun kesa magpakilala ako sa ang salarin.
ang balak ko lang dati talaga mangulit ng mangulit sa chatrooms at ipopost ko dito yung mga magiging biktima ko, ang balak ko lang kumuha ng picture ng mga natutulog at nagyoyosi sa pampublikong sasakyan, at mga mukhang bakla, .. medyo delikado, medyo libelous yata kaya wala akong balak makipagkilala kahit kanino, pero ilang buwan lang nag gawa na rin ako ng yahoo account, ibig sabihin handa na kong makipag interact sa mga readers ko, hanggang sa nagkaron ng original na barkada dito sa blogword, sila yung mga nasa kablog sa blogroll ko, at nanganak ng mga kagrupo sa wordpress pinoys. mas dumami, mas sumaya.
di ko inasahan na yung obnoxious image ni “jon cabron” ay magugustuhan ng iba at magkakaron pa ng maraming kaibigan at regular visitors.. sa puntong yun bigo ako,
dahil ang gusto ko sanang mangyari dito sa blog ko, kainisan ako ng mga tao.. gusto kong mag almusal, mananghalian, maghapunan at magmidnight snack ng mga hate mails sa email ko.. pero kabaliktaran ang nangyari’

bukod sa ritwal ko ng uminom tuwing dayoff ko, espesyal ang inom ko kagabi dahil dito… nakakalungkot lang na hindi ko naubos ang tatlong mucho ng redhorse dahil nung naubos ko yung pangalawa, sumama na sa dighay ko yung ilang pinulutan kong maling at nagaraya, nakakahiya tuloy sa mga bisita ko (daffy duck, bart simpson at little bart)

isang taon na ko with 28thou+ total views, 156 entries, at 870 comments, matagal na ko nagba blog pero eto ang pinakamatagal at kahit ngayon hindi pa kahit sa panaginip ko na pumapasok na tigilan to.. salamat sa mga bumisita! .. at sa kaisa isang tao na bisita ko sa inuman, si jovi .. sa webcam’

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “isang taon”

  1. aba, si jon 1 year na sa WP. biruin mo nga naman ano? ang balak mo pala noon mang-inis at mang-asar, pero naiba ang takbo ng blog mo. gusto mong kamuhian ka ng tao pero tignan mo ngayon, lab ka na ng sambayanan. hagip mo nga lahat ng chiks pati bading eh. isa ka ng alamat mamang cabron. isang kampaiiii! para sa isang taon pa ng matitindi, walang takot, nakakakilabot, brutal, karumal-dumal at balasubas na blog entries! nyahahaha!

    ==
    sa ilang buwan nating pagiging magkaibigan, ngayon ka lang nagsalita ng maganda sakin, medyo may halong sarcasm pero ayos pa rin.. salamat bro’

  2. hapi first year anniversary, idol jon!

    graveeh! isang taon na rin pala ako “nabubulagan” sa paghanga sa yo lolz! ang laki ng utang na loob ko sa ‘yo, cabron! nang dahil sa ‘yo natuto ako mag comment sa mga blog na napupuntahan ko. silent lurker lang naman kasi ako noon. pero nung nagsimulang sundan ko ang link mo na iniwan mo minsan sa chatroom na pinamumugaran ko, nag iba ang takbo ng pagbo-blog ko.

    ikaw at si moo ang mga pinaka-unang bitbit kong mga ka-blog nung lumipat ako from friendster to blogspot to wordpress. sobra mo akong na-inspire. hindi rin naman ako nagkamali sa paglagay sa ‘yo sa pedestal para hangaan dahil magaling ka naman talaga. ang komontra – papatayin ko!! pramis!!!

    may isang tampo lang ako sa yo. bakit kay jovi ka lang nagpakita? hmp!

    nways, mahal kita idol! sana wag kang magbabago.

    ==
    awww maraming salamat ms. maru’ .. tunay na nakaka ano ang bawat katagang binibitawan mo sakin mula pa umpisa..
    ano ka ba’ nag “view my webcam” ako sa status, di mo naman pinatulan..

  3. Hapi 1st year anniversary Mang JON! hehe… Galing mo, peborit na kita ngayon!๐Ÿ˜€

    ==
    ang mga may peborit sakin hindi ako tinawatag ng “MANG” jon.. dahil ang tumatawag ng mang jon sakin.. hinahalikan ko sa likod ng tenga.. hala ka!!!!

  4. happy anniversary jon cabron๐Ÿ™‚ kung ano man ang naging dahilan para magsimula kang mag-blog, ok na rin kasi at least nandito ka na at marami kang naaaliw na fans.๐Ÿ™‚ mabuhay ka!๐Ÿ™‚

    ==
    you are so sweet and also, i love you.. ktnx’

  5. wow, hepi anniv dyon… marami talagang taong mahilig sa dominatrix e. kaya ka sikat na sikat, hehehe…oops, ibig bang sabhin mahilig din ako dun, ampf.

    ==
    salamat mommie kengkssssssss, bertdey gip ko ha! kahit ano na lang na walang malisya.. halimbawa
    ahmm kiss?

  6. congrats sayo jon!

    nung una nga kala ko suplado ka e, well suplado ka naman talaga (feeling ko lang yun ha) pero honestly naaliw ako sa mga entries at comments mo sa ibang blogger lalo na sa wp, ang kulit mo dun e…. muaaaaah

    xiao!

    ==
    suplado ako pag gusto ko yung isang babae.. yun kse ang defense mechanism ko dahil masyado akong mahiyain.. torpe kse ako at hindi marunong manligaw.. dats whaiss.. so tayo na?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s