listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako karapat dapat inaeyebol

dahil pansamantalang tumigil ang mundo ko dahil sa nangyari sa isang kaibigan at ngayon ko lang ulit naisipan magblog ng tungkol sa byahe ng buhay ni jon cabron, nanibago ako.. nakakailang draft na ko ng entry pero di ko matapos tapos.. at dahil dun imbis na magkuwento’ bubuwelo muna ko ng mga listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako karapat dapat inaeyebol,
at dahil alam kong kapansin pansin na sa intro pa lang e bukayo na ang pasok ko at hindi katakatakang major bukayo ang entry na’to mula simula hanggang wakas, hahayaan kitang gamitin ang karapatan mo para iclose ang blog ko at bumalik na lang pag may entry na ulit ako na kapaki pakinabang at tulad ng dating entries na makakatulong sa pagpapalaganap ng kristyanismo sa mundo.. at tsaka wala akong pakialam sayo at wala pa kong tulog, pakyu!

bakit malaki ang chance na maging parang iguana akong hindi gumagalaw at nagsasalita pag nakipag eyebol ako?

1. dahil kinakabahan ako tuwing lumabalabas ako ng bahay ng malayuan at sa kinakapwestuhan ko e wala akong makikitang banyo na sa tantya ko ay:

a. kaya kong takbuhin ng madahan sa loob ng tatlong minuto
b. hindi pasukin ng tao
c. may tubig
d. may tissue paper
e. walang residue ng huling gumamit
f. hindi mainit sa loob

2. dahil hindi ako pwede sa mga tipikal na topic ng mga lalaki na maganda sanang daan para magkahulihan ng loob, hindi kse ako pwede sa topic na:

a. basketball – masyado akong suplado nung bata ako, ayokong napapawisan at nadidikitan ng kalaro kong pinapawisan kaya hindi ako natuto magbasketbol
(ang totoo may luslos kse ako nung bata ako, walang nakakatawa sa sakit ko, ok’)
b. chicks – sa maniwala kayo at sa hindi pag iyan na ang usapan, talo na ko sa kwentuhan’ mahilig lang ako makipaglandian pero takot ako sa ganyan at mas madalas na nae el pako pag hinahaplos ko yung keyboard ko kesa lumabas kasama ng iba’t ibang babae..
(alam ko marami akong babaeng readers na nasaktan at nadisappoint sa sinabi ko, sorry na! lols)
c. kotse – hindi ako marunong magdrive at wala kaming sasakyan!
(pero namigay ng pickup ang tatay ko sa ibang tao nung last na uwi nya.. anong klase yun!)
d. hangouts – kelan lang ako nag enjoy mag barhopping, dati masaya na ko sa padis point, umubos ng barrel barrel na draft beer, magyosi na parang tsimeniya at umuwi pag lasing na, kelan ko lang nadiskubre na enjoy din pala makipag kuwentuhan sa kainuman mo o iappreciate ang mga tipsy na babaeng nakatakdang magsisi kinabukasan pagkagising kinaumagahan na nakaunan sa mataba at wala kong muscle na braso..
e. music – hindi ako marunong tumugtog ng kahit na anong instrumento, maliban sa bumbuga at pagsipol, at isa pa’ maiskwatiran ka na sakin kung maiiskwatiran ka pero nageenjoy ako sa mga gangsta rap, ghettodoggz deathtreath mah men!
(kaibigan ko pa rin naman kayo di ba?)

3.hindi ako pala salita sa harap ng mga bagong mukha dahil

a. nana nonsensan ako sa sarili ko’
b. mas gusto ko tumahimik muna, makiramdam at manantya’
c. bulol ako at lalong nabubulol pag naaalala ko na bulol ako bago ako magsalita
d. pakiramdam ko laging tatalsik ang laway ko pag nagsalita ako sa harap ng mga bagong kakilala
e. madalas na nakakalimutan ko yung sinasabi ko sa kalagitnaan ng kwento kaya madalas din na nagmumukha akong sira ulo’

.. maiintindihan ko ang wordpress barkada kung magkakaron ng eb at sa pm na lang sila magpaplano, mahal ko kayo at inaantok na ko!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

7 thoughts on “listahan ng mga listahan kung bakit hindi ako karapat dapat inaeyebol”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s