back

im back! yung dalawang magkasunod na huling balitang natanggap ko tungkol kay ronnel, mukhang okei na.. una di na raw sya kailangang operahin dahil tumigil na yung pagbi bleed sa loob, nilagyan na lang sya ng maliit na tubo sa may baga pandrain daw yata sa tubig o sa dugo sa loob, at pangalawa nakakausap na raw ng maayos, medyo malakas na at nakakakain na ng soft foods, salamat naman’
sabi ko nga sa dasal ko, bihira naman ako magdasal.. bihira rin ako humiling ng kahit na ano, mareklamo lang ako pero tinatanggap ko naman lahat ng hinaharang sakin.. sana lang maging maayos na yung kaibigan ko, tanggap kong kasama sa buhay yung nawawalan ka ng kaibigan, naniniwala akong lahat ng bagay nagdadaan lang pero sana naman wag yung ganun kabrutal at wag naman biglaan.. gusto kong isipin na nagpapalakas na lang sya dun sa PERApetual at ilang araw o linggo lang back to normal na lahat. alam ko rin may posibilidad na ipatapon na sya sa malayong lugar at mas malabo na magkita kami ng madalas pero okei lang yun atleast alam kong buhay sya at nasa earth pa rin..
gusto ko ring matapos na yung 2007, gusto kong maniwala na matatapos na lahat to pagkatapos ng taon. sana dire diretso na’

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “back”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s