zamora

kulang ako sa tulog, anim na oras lang’ pagcheck ko sa fone ko may dalawang messages, yung isa nagpapaalala ng bertdey ng isang kaibigan, yung isa simpleng mensahe lang pero humigop sa natititirang lakas ko na tira tirahan na nga lang ng antok at pagod sa byahe..

"pre patay na nga si ronnel?"

taragis’ parang naging kasing gaan ng lobo yung ulo ko at nanginig yung mga kamay ko, nakadalawang ulit kong binasa yung message.. taragis kumpirmado si ronnel nga’ ninong sya ng anak ko, kasa kasama ko sa lahat ng kalokohan, sa away, sa lahat ng pagti trip, sa pagdalaw sa munisipyo at mga baranggay, sya yung dinadaanan ko minsan bago ako umuwi galing trabaho dahil yung pwesto nila sa palengke ng mga gulay e nadadaanan bago ako sumakay ng jip, yosi lang kami tapos konting kwentuhan, pag nakita ko na busy na masyado sa pwesto nila magpapaalam nako’ tapos tatakbuhin ako nun sa jip para ihatid ako..
ayokong tanggapin na ganun lang kse wala pang dalawang linggo nagkita pa kami nun at nagkayayaan na maginom, di nga lang natuloy’
tumawag ako sa fone nya.. walang sumasagot’ sa isip ko mukhang totoo nga’ putangena! tawag ako dun sa nag text para magpakwento, di rin sinasagot.. putangena ulit!
umiiyak nako’ taragis nakaharap ako sa pc habang tumatawag sa celfone nya, yung bart simpson na manika sa pc ko, sya nagbigay nun.. kamukha nya yun’ .. taragis wala talagang sumasagot, di ako pwedeng dumaan ngayon dun, male late ako ng sobra’
tumunog yung celfone ko, may text galing sa number nya..

"pare nasa ospital pa si nel"

yung utol nya to’ .. ano ibig sabihin ng nasa ospital pa? nililinis pa? iniembalsamo pa yung kaibigan ko? putangena! .. tumawag ako, pinagkwento ko sya’ wala akong masyadong naintidihan kse nga magulo isip ko masyado at umiiyak nako..
basta ang mga naaalala ko lang
buhay pa si ronnel, tatlo ang saksak sa tagiliran, may tama rin tong kapatid pero pinalabas na ng ospital, tinanong ko kung nakakausap ba naman si ronnel, hindi ako sinagot o hindi ko naintindihan basta ang sabi.. nagpapahinga at naghihilik pa’

ngayon lang ako nakaramdam ng gantong emosyon na naaawa at naiinis ako sa iisang tao at sa iisang dahilan lang.. naiinis ako kay ronnel kse hanggang ngayon ganun pa rin ang buhay nya, may dalawa na syang anak, pareho pang babae at kakaisang taon lang nung bunso, tumanda na sya sa ganung magulo at masikip na mundo, naaawa rin ako sa kanya sa parehong dahilan..

sana lang makarekober ka ng maayos pre at sana tigilan mo na yan’ hindi totoo yung sinasabi nila na may taong lapitin talaga ng gulo, nasa atin ang lahat ng paraan para umiwas sa away, kung gugustuhin rin lang natin.. wag ka maniwala sa mga napapanood mo sa sine at tv, hindi totoong susugod si robin padilla sa away kung magisa lang sya at hindi totoong sumasagupa si cesar montano sa isang buong sindikato ng isang hand gun lang ang dala nya.. maniwala ka sakin’

magkikita pa tayo pre, hintay ka lang lumuwag sked ko dito sa trabaho, tangena kailangan paraho tayong nakadilat nun ha at walang salamin sa gitna, pakyu ka..

ang commsat talaga samin, palpak.

update:
galing ako dun kanina, walo ang tama ng saksak sa likod ng kumpare ko, butas ang baga, maga ang mukha sa palo ng bato, basag ang nguso, puro tahi sa ulo… kaaway nya nung high school pa yung gumawa nun.. sayang ang buhay’ buti na lang buhay ang kaibigan ko,
pagkakita sakin kinawayan agad ako, pinipilit nyang dumilat, paglapit ko binulungan ako, “pasensya na di ako makapagsalita”

eto yung mga pagkakataon na masarap maglaro ng GTA San Andreas, putangina!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

18 thoughts on “zamora”

  1. buti nga nakakapag usisa ka pa para kumpirmahin kung totoo ang balita. kung ako siguro baka nanlambot na lang na blangko ang utak… di rin makakapagsalita.

    malupit din yung mga tama nya sa katawan. hindi biro. sana nga lang eh pahalagahan ang buhay.

    well, sana maka-recover agad si prend mo, idol.

  2. hi jon, sana makinig na rin sa yo si kumpare mo.. tama ka, pwedeng magbagong buhay. tatay pa naman din sya, di ba? i pray na sana tumuwid na ang landas nya. as for you jon, you are a good friend. naki-iyak ako sa yo, pramis.

  3. Haay magkaibigan nga kayo…katulad mo binigyan pa ulit sya ng isa pang pagkakataon…buhay nga naman..

    ==
    oo! at dahil kaibigan din kita bibigyan pa rin kita ng isa pang pagkakataon para ayusin ang mga text mo sa susunod… pero wala ng susunod na trahedya syempre kaya kalimutan na natin yun..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s