chatroom warriors

online fight tagal na rin ako hindi pumapasok sa chat rooms’ isa yun sa kinalimutan ko nung nagbagong anyo ako, sumusulyap pa rin ako dati pero pacute lang, kadalasan tambay, basa basa lang.
dahil sobrang nakakabato ang midnight shift ng mag isa ka lang, sinubukan ko ulit pumasok ilang araw na, nagulat ako sa mga chatters ngayon, ang tatapang! nakakatuwang isipin na ngayon binubully bully na lang ako sa chatroom, binu boot out at binabastos, hindi mo iisipin na dati may pangalan ako na iginagalang sa online world lalo na sa chatrooms, inisip kong magipon ulit ng mga tools, balikan yung dati at gumawa ulit ng pangalan, pero naisip ko na wala na kong pagsisingitang oras’ okupado na ni jon na empleyado, tatay, asawa, boyfriend, blogger, katropa, kainuman, etc. naisip ko na sa kanila na lang yun’ tapos na ko sa ganun..
kanina lang nasa opisina ako, may nambu boot at nagla lock ng chatroom’ tinanong ko sya kung ano napapala nya sa ganun, kung lumalaki ba ang tite nya pagnambu boot sya? kung napupunan ba yung mga pagkukulang ng tatay nya nung bata pa sya pag nakakapag palaglag sya ng chatter? ang sagot nya sakin.. isusunod na kita cabron! naisip ko nasa opisina ako, yari ako laglag ako agad panigurado.. nagtype ako “nasa opisina ako wala akong laban sayo, one click laglag ako.. pero eto na lang isipin mo sa akinse at katapusan susuweldo na ko.. madami na naman akong pera, e ikaw sa ganung mga petsa, booter ka pa rin!!!” di sya nakasagot.. nalaglag nga ako’
bago ako umuwi kanina pinagtulungan ako ng dalawang chatter, kung anu ano ang pinagsasabi sakin, ang masama “ghost” sila sakin di ko sila makita sa chatroom, lalong nakakapikon; nanggigil ako, sabi ko sa sarili ko hintayin nyo ko makauwi, kahit mamaga mga mata natin sa puyat di ko kayo titigilan.. pero kanina habang nasa bus ako napaisip ako, gagalitin mo sarili mo.. manggagalaiti ka, nanginginig daliri mo kakatype ng mga masasakit at magagaling na salita, ginagalit mo sarili mo sa harap ng pc pero alin lang sa dalawa ang mapapatunayan mo, either ikaw ang mas magaling mang asar o ikaw ang may mas mahabang oras na pwedeng sayangin sa harap ng monitor mo’
ilang taon ng ganun ang ginagawa ko, walang pinapalagpas online.. ngayon napagisip isip ko hindi na ko papatol sa away sa chatroom.. iiwan ko na sa mga baguhan yung mga ganun, lahat naman tayo dumaan sa pagka newbie, lahat naman tayo nagka thirst for power.. tapos na ko sa ganun’

.. at isa pa alam ko naman na hindi nila ko kaya’

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

16 thoughts on “chatroom warriors”

  1. Dahil siguro I’m not a chat person and engot ako sa chat kaya hindi ko makuha hanggang ngayon kung ano ang nakakabilib sa pambu boot. I mean anybody can do that. Kung “booter” siguro sa tunay na bahay baka mapabilib pa ako…😛

  2. wow jon….ur d man….ewan ko ba…b4 naiinis din ako kz nalalaglag ako kpag di nkabyu mga manyaks ayun nag aral ako mamboot ng manyakols pero naisip ko y waste my time….pakasaya sila pamboboot kung kaya nila pero di nila ako matitikman…nyahahaha

  3. hahaha naalala ko din ang time na naadik ako sa chat at naging paborito din ng mga booters, ang dami ko din tools nun na pampakapit at mga paraan para wag malaglag kahit ibo-boot ka. haay those were the days…sana ibalik na din ang mga User Rooms haha!

  4. ako man ay matagal na rin nagchchat, pero never ako namboot, di nga ako marunong nun e.. di ko nga alam anong pinagkaiba ng boot sa discon, iniisip ko nalang na pangit ang connection ng ISP.. kaya nalalaglag…

    pero ang nuke… nasubukan ko dati.. di ko rin nagustuhan.. pero nung uso ang nuking sa irc nun, meron akong natuklasan.. conseal PC firewall.. circa 1995 pa yun.. di pa uso ang firewall, di pa uso ang lahat…. nakakatuwang makita ang frustrations ng nuker kung di nila ikaw nasipa…

  5. sarap ding makipag laro sa ganyan kaya lang simula nung nagblog ako mas sa blog na ako nagsusunog ng oras. masarap lang ding laruin ang mga nag-aangas angasan minsan sa mga chatrooms. well i had my booter days too natatawa pa ako pag naalala ko.

  6. dakilang chadik ako dati at lagi din naboboot. hehe. kahit ilang chat clients pa gamitin laglag pa din.

    kainis nga mga booter na yan, walang ginawa kundi mamerwisyo sa rum eh ngkakatuwaan nga lng mga tao dun eh.

    ay naku…buti nlng, ‘blog’ adik nko ngayon.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s