superherong may dahon sa dibdib

gusto kong iset sa vibrate yung fone mo, tapos ipapasok ko sa pwet mo at tatawagan ko ng tatawagan hanggang mapatid yang mga litid sa leeg mo sa sobrang kiliti!

   sa schedule kong 10pm hanggang 6am, nakakauwi ako nyan sa bahay quarter to eight na’ hindi naman ako si gandhi para hindi magutom, at hindi naman ako makina para hindi mapagod at lalong hindi naman ako robot para hindi antukin, sa kasamaang palad hindi rin trenta oras ang oras ko sa isang buong araw kaya pagkauwi, ang pamamahinga, pagkain ng almusal at pagpapaantok e kailangan kong pagkasyahin sa loob lang ng isang oras at kalahati, kakatapos ko lang maligo at naghahanap na ng magandang posisyon sa kama para matulog ng tumunog ang celfone ko, ayoko na sanang tignan pero naisip ko na baka sa opisina yung text..

pinsang bata: gudam’ kuya  jon, eto ang number ko pasave! tnx!

.. okei’ walang problema sakin yun kahit na naputol yung panliligaw ko sa antok.. sinave ko yung number at nagreply ako “noted, tnx!

pinsang bata: kuya jon, sinong superhero ang may “S” sa dibdib?

.. anaknangtokwa!  gusto kong insultuhin ang buo nyang pagkatao sa text, dahil sa walang kwentang text na to pero.. dose anyos lang to, ano pa aasahan ko at naisip ko na baka namiss lang ako nitong gagong to..

JON: si super man!
 .. pagkasend ko, pwesto na ulit ako ng higa.. yun na siguro yung joke nya! papansin lang’
wala pang limang minuto:

pinsang bata:
galeng! e yung may “paniki” sa dibdib?

.. gusto kong magimbento na lang ng istorya na, wag mo kong itext kse ampon ka lang hindi mo ko talaga pinsan, para matigil lang pero bata nga e.. sinagot ko “si bat man

mas mabilis ang reply

pinsang bata: galing mo talaga! o last na.. sino ang superhero na may “dahon” sa dibdib?

yes sa wakas last na! isang sagot na lang.. pwede na kong matulog, pero potah napaisip ako.. wala yata akong natatandaan na superhero na may dahon sa dibdib.. hmmm’ nawala antok ko! labas ako tinanong ko si gng. cabron, si mrs. cabron pati ang anak ko.. walang makasagot.. isip ako habang nakahiga’
mya mya nainip siguro ang gago, nagtext:

pinsang bata: mamayang ala una ko sasabihin sayo ang sagot.. heheheh!
.. putangena! kabastusan na to! magaalas diyes pa lang, hindi ako makakatulog! tumawag ako sa landline nila pero nanay nya ang nakasagot, nasa eskuwelahan pala ang kupal!
di ako nagtext sa kanya dahil alam kong maiisip nya na nakaiskor sya sakin at hindi ko papayagan yun!

.. ilang oras na kong nakahiga at nakapikit pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kakaisip kung sino ang superhero na may dahon sa dibdib.. kinailangan ko pang maghandog ng kalahating tableta ng pampatulog para sagutin ng antok,
pagkagising ko, groge pa rin ako dahil sa gamot na pampatulog at dahil sa kulang na tulog.. nawala na sa loob ko yung puzzle nung pinsan ko, tsaka kailangan ko ng magmadali dahil male late na naman ako, di na nga ako nakakain ng hapunan.. habang nasa bus dun ko lang nakapa na wala pala sa bulsa ng pantalon ko yung celfone ko.. putarages!
bigla ko din naisip yung puzzle, sumakit nanaman ang ulo ko’ pagdating ko ng opisina tawag agad ako sa bahay.. pinahanap ko yung fone ko, nasa may computer table pala’ tinanong ko kung may message, meron daw sabi ni gng. cabron.. sabi ko basahin mo nga

batang pinsan: ang sagot, sinong superhero ang may “dahon” sa dibdib
.. si HALA MAN!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

16 thoughts on “superherong may dahon sa dibdib”

  1. hahaha. ang galing pa ng engagement tactic. hehehe. moral of the story: i-silent mode ang celfone nang hindi maabala sa pagtulog.🙂

    ako pagnagn-night shift, sina-silent ko ang fone. kse isang tunog lang nun, nagigising na ako. istorbo sa pagtulog. ang hirap pa naman kumuha ng tulog sa umaga no. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s