tnxgudbyes!

punch sinubukan kong manahimik, lumayo, magisip isip’
ano ang naging pagkukulang ko at san ako umabuso? naaalala ko pa ng gabing yun.. nag pm sakin si az, nagtatanong kung pwede nya raw ako ilabas sa entry nya‘ bilang isang kaibigan syempre sumagot agad ako ng oo, sa pagasang gaya ng mga nauuso sa blog world ngayon e bibigyan nya lang ako ng award, o gaya ni jovi at ni ms. ging mapi feature lang yung blog ko sa blog nila.. iniisip ko na lang na siguro nagkamali lang ako ng intindi nung gabing yun, nung sinabi nya na ilalabas ako sa entry nya, ang ibig nyang sabihin dun e “jon, pwede ko bang babuyin ang pagkatao mo at sirain ang kinabukasan mo sa pagba blog at pwede ko bang gawin sayo na matapos mong mabasa ang entry ko, hindi ka na makakatingin ng diretso sa mga tao at ikakahiya mo ang buo mong pagkatao?” siguro kung nakuha ko lang agad ang ibig nyang sabihin, magdadalawang isip ako na pumayag agad sa kanya.. wala sa hinagap ko na ang entry na niluluto nyang yun ay magdudulot sakin ng ilang gabing pagkabalisa at pagkapuyat,
ng adiksyon sa kape, alak at sigarilyo..
gusto kitang saktan mr. azrael kahit gano ako katagal maghintay sa paguwi mo, pero hindi ko kayang gawin yun.. siguro nga instrumento ang entry mo para ilabas ko na kung sino talaga si JON CABRON, siguro nga eto na ang panahon.. ang lahat ng nakasulat sa blog na to, lalo na yung mga pagsakay sakay ko sa bus at mga katapangan ay puro kasinungalingan lang, ang totoo nyan, hindi pa ko nakakasakay sa bus sa buong buhay ko, oo AZ dahil buong buhay ko sa loob ng mahigit apatnapung taon nakatali ako dito sa upuan kong de gulong, tama rin ang nabasa nyo, hindi totoong bente siyete anyos lang ako, apatnaput anim na ko at isa akong lumpo’ pinanganak na ko na ganito, at ang tanging nagpapasaya lang sakin ay ang pagba blog ko.. at ang mabasang maraming rumerespeto sakin bilang isang blogger.. at nakakalungkot na tapos na ang mga sandaling iyon.. imbento ko lang si mrs cabron, ang totoo nyan wala pa kong nagiging girlfriend sa idad kong ito, hindi naman nakakapag taka dahil sino ba naman ang maiinlove sa kalagayan kong to, wala din akong mga daliri mr. azrael, ang lola ko na lagi kong kasama ang nagtatype ng mga sinasabi ko para maging entries dito sa blog ko.. matanda na sya at inaabot kami ng buong maghapon para lang makatapos ng isang entry. malimit din syang umihi sa salawal nya, pero ibang usapan na yun.. walang silbi ang mga braso ko kundi pantimbang lang sa payat kong pangangatawan.. hindi ko sila naigagalaw tulad ng sa mga normal na tao na nakikita ko sa telibisyon, mr. azrael isa akong nakakaawang nilalang, at ang ginawa mong entry ang lalong naglugmok sa akin sa mundo ng kalungkutan at depresyon.. sana’y napasaya ko kayo sa halos isang taon na pagba blog ko dito sa wordpress, at sana’y napangiti kayo sa entry ni azrael.. ako, dito lang ako magisa sa kwarto ko.. tulad ng dati, pinapakinggan ang maya’t mayang pag ubo ng lola ko, habang nakasilip ako sa siwang ng bintana namin at pinapanood ang mga miminsang nagdadaan na mga normal na taong katulad nyo..

sa huli nasa iyo pa rin ang respeto ko mr. azrael dahil kahit papano napasaya nyo ko at naranasan ko rin kahit na saglit lang ang ituring akong isang normal na tao,

salamat sa lahat,
naisipan ko rin ipost ang picture ko para sa iyo mr. AZ, dahil nilugmok mo man ako sa walang hanggang kalungkutan, pinalaya mo naman ako sa mundo ng kasinungalingan at pagpapanggap…

click here for my pict

.. sir, magiging mas maginhawa po ang pamumuhay kung wala pong nagsasakitan at lahat ay nagmamahalan.

tnxbyes!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

28 thoughts on “tnxgudbyes!”

  1. …wala din akong mga daliri mr. azrael, ang lola ko na lagi kong kasama ang nagtatype ng mga sinasabi ko para maging entries dito sa blog ko.. matanda na sya at inaabot kami ng buong maghapon para lang makatapos ng isang entry. malimit din syang umihi sa salawal nya, pero ibang usapan na yun..
    …….the funniest lines I’ve read in the blogosphere in 2 years๐Ÿ˜† sobrang mahal na nga kita. Maraming salamat sa halakhak. Malungkot kasi ako ngayon.

    ==
    mas marami pa kong alam na magpapaligaya sa mga tulad mong nalulungkot.. pero saka na natin pag usapan yun

  2. What a dirty picture that was! I was deeply traumatized! I hate you MR. JON CABRON! May you choke on your own spit and throw up as well tulad ng nangyari sakin nung makita ko yung picture na yun!

    Syempre nagbibiro lang ako! Hehehe! Panalo ka na naman! I IDOL you very much talaga, Jon!๐Ÿ˜›

  3. lagi po akong napapadaan dito kala ko seryoso na yun pala kalokohan. hahaha… nakita ko yung pix buti na lang mabilis reflexes ko napindot ko agad ang X kasi nandito na ako sa ofis natakot akong bigla na may makakita saken.

  4. wow jon, the picture is so You! it just captures your very essence. it is indeed quite poignant to see what’s inside finally come out in the open.

    ==
    FYI po, hindi ako naiinsulto pag nilaliman ako ng english, para ka lang kumakanta sa pandinig ko, seryoso
    .. i love you!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s