iglesia ng munti

nag almusal ka sa cafeteria nyo ng isang cup ng kanin, nilagang itlog at isang pirasong langgonisa, di mo yan ginagawa dati kaya nanibago ang tyan mo, kakaba kaba kang umuwi, sumakay ka ng bus na kumakabog ang dibdib mo, kalagitnaan ng byahe dumating ang kinakatukan mo, humilab ang tyan mo.. para kang buntis na ginalawan ng bata sa tyan.. natatakot ka na sumabog ang “panubigan” mo sa daan, nakakapagtakang butil butil ang pawis sa noo mo habang nanlalamig ang pakiramdam mo, naisip mong isara yung bintana ng bus dahil umaasa kang makakabawas sa nararamdaman mo pag nailagan mo ang malamig na hangin sa labas.. pero ang tigas ng bintana at hindi mo kakayanin na gumamit ng pwersa dahil siguradong mabibitawan mo yung mina muscle control mo…
tumingin ka sa dulo ng kalsada.. tangena malayu layo pa, tumingin ka sa orasan ng celfone mo.. mahigit bente minuto pa.. tumingin ka sa ibang mga pasahero.. buti na lang wala kang kakilala, gusto mong umidlip umaasa ka na pagkagising mo nasa babaan na, pero naisip mo rin na pagbaba mo ng bus kailangan mo pa sumakay sa jip.. kulang bente minuto pa ulit bago ka makauwi… nag fast forward ang isip mo, san ba pwede? sa palengke? yuck ambaho! sa jollibee? taragis kakahiya, sa simbahan? baka tulog pa yung sakristan at sarado pa.. naisip mo worst case, sa unahan na lang ng jip’
nung nakapag desiyon ka na, dun mo lang napansin na nalibang ka na pala kakaisip, nasa may babaan ka na, para kang bata na nakatapos ng kalahati ng larong super mario.. konti pa’ isa na lang’ sakay ka ng jip, napa bulong ka ng dasal ng pasasalamat dahil walang trapik, kumukulo ang tyan mo pero kaya ng tiisin, konti na lang e, nililibang mo ulit ang sarili mo, kumakanta ka, nagbabasa basa ng mga karatula sa kalsada.. ng biglang may narinig kang takatakatak ng nagtitinda ng sigarilyo.. isa lang ang ibig sabihin nun… tangena, TRAPIK!
may mga nakita kang mga naka green na nanggugulo ng trapiko, inuuna nila palabasin yung mga kamiyembro nila kesa padaanin yung mga namamasadang jip, naisip mo bakit may mga sarili pa silang mga pulis trapiko.. nagisip ka tuloy na walang pinagkaiba sa mga sindikato pala tong relihiyon na to.. may mga sariling tao’ tapos nun naglabasan na yung mga kabataang lalaki na naka slacks, naka rubber shoes at mga naka tshirt na puti sa loob at naka polong checkered.. ang iingay, tapos kanya kanyang dikit na sa mga kapartner nilang tsiks, yung iba kanya kanyang dukot ng mga sigarilyo’ puro pakyut, ayaw pa magsiuwian.. napansin mo rin na may mga babae silang magaganda rin, mga pwede din ang itsura, kaya lang puro naka spray net ang buhok, ang tagal ng trapik, walang makabusinang jip.. yung iba natatakot, yung iba nananamantala, dami kse pasahero.. di rin kse naisip nung mga taong to na wag sumakay sa tapat ng simbahan nila, huling naglabasan yung mga mukhang pulitiko na ang lalaki ng tyan na mga naka barong, mga mukhang kagalang galang, ang aangas ng dating pero mas mukhang mga nanggaling sila sa malakihang drug deal kesa nanggaling sa pagsisimba.. puro mga mukhang lider ng sindikato.
nung sa wakas umandar na yung jip na sinasakyan mo, wala ka ng nararamdamang sakit ng tyan.. payapa na ang bata sa sinapupunan mo, pero pagbaba mo sa kalsada, parang ambigat ng paa mo, hindi ka makalakad ng maayos, nahirapan kang makatawid at umiiwas ka sa mga nakakakilala sayo.. nanakbo ka pauwi, pakiramdam mo dehydrated ka na pagkita mo sa pinto ng bahay nyo, kinakalabog mo ng malakas yung pinto nyo kasabay ng sunod sunod na pag doorbell.. nagising ang nanay mo at nagagalit na binuksan yung pinto.. “ano bang problema mo” “tangena ka anong nangyari sayo?” “yuck ka jon, san ka inabot na naman?” .. hindi kana nakakibo, nananakbo kang dumiretso sa banyo habang unti unti mong hinuhubad ang sapatos mo, pero hindi ka nagpunta dun para tapusin ang matagal ng tapos na.. nandun ka para burahin ang mga ebidensya.
tatlong bagay ang iniisip mong nagbago sa buhay mo paglabas mo ng banyo’ naubusan ka ng lakas, nawalan ka ng moral at ng paggalang sa mga tao sa iglesia ni kristo sa muntinupa.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “iglesia ng munti”

  1. dyan lang ako sa may terminal ng bus, dadaan ng riles kaya pag umaga din dyan anak ng tinapa ang bus na cause din ng traffic, at lalo pag hubes ng umaga nag lalabasan na yan sila mga iglesi@. ^_^

    saan ka pala banda?

    =
    along the highway dun sa may bandang…. teka iglesia ka!! minamanmanan mo ko!, taga san pablo laguna ako, ka alone,

  2. na miss kita kaibigan.. pasensya na at hindi nakakadaan lagi dito.. abala sa lablyp tulad mo..ahehehe!

    biglang sumagi sa isipan ko tuloy… mga panahon na lagi ako sa muntinglupa..ilang years ago na ba yun bestpren? hehehe… alala mo pa ba mga pangyayari? kahit dati..ma trapik na talaga dyan! kasumpa sumpa.. pero.. dahil sa bestpren ko na hindi ako nilibre at stork lng nalibre nya..pinupuntahan ko pa din!

    ==
    ganyan ka naman pag makulay ang lablayf mo etchapwera ako lagi… haaays layf’
    sa susunod na maligaw ka dito, akong bahala sayo!
    .. may shortcut di na trapik, lols

  3. along the highway dun sa may bandang…. teka iglesia ka!! minamanmanan mo ko!, taga san pablo laguna ako, ka alone,

    amen! salamat ka jon at akoy binigyan mo na nakakatuwang lunes.. sa sobrang tawa ko, inatake ako ng aking ulcer..

  4. di ako iglesia ka jon. ^_^ lagi lang kasi ako nadaan dun kaya alam ko ang schedule ng mga yan m/ lol minamanmanan? hehehehe cge pag natimingan kita kunan kita ng pic then post it here. ^_^

    san pedro laguna ka pala ka jon. ei basta trapik d2 sa alabang bad trip @ hanggang kailan kaya yan matatapos na project.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s