sino ang adik?

ofcm8s at kahit na nasa IT department kami, old school ang reports namin dito sa office, sinusulat namin sa logbook.. medyo mahaba, kabilaan at dalawang beses mo gagawin kada apat na oras, at malamang sa hindi pag mag gagawa ka na ng report dun ka maghahagilap ng bolpen, dahil laging nagkakawalaan ng bolpen dito.. pag hindi mo kailangan, ang daming nagkalat dito, yung supply ng kumpanya, kulay puti at may tatak kaya madali mo makikilala, meron din galing sa labas, tipong may nagkusa at bumili ng marami.. at meron din na pang personal na naiwan lang at naging property na ng opisina, ewan ko kung napuna na nila yun, pero ako gusto kong mag paka CSI, gusto kong magimbestiga dahil hindi ako naniniwala na simpleng pang personal lang na pangungupit ng bolpen ang nangyayari dito sa office, hidni simpleng namisplace lang ang lahat, masama ang kutob ko… merong isa o dalawang empleyado dito na adik sa pagsinghot ng tinta ng bolpen!!!
sinisimulan ko ng magtingin tingin sa mga sulok at basurahan dito nag babakasakaling makakita ng mga basyo ng bolpen, mga bali ang lalagyan at simot ang tinta sa loob,
lahat ng mga kasamahan na nakakasalubong ko tinitignan ko kung may tinta ng bolpen sa kamay.. lalo na sa ilong’ alam kong andito lang ang salarin, idisregard natin yung abala sa paggawa ng report dahil sa pagkawala ng mga bolpen, parang kapatid at kapamilya na rin ang turing ko sa mga tao dito, lalo na sa loob ng department namin at naga alala ako ng matindi sa kakaisip na may isa akong kapamilya na nalululong sa masamang gawain, at mas nakakalungkot, sa hindi pa pangkaraniwang pag singhot ng tinta ng bolpen.. nakakakilabot, nakakalungkot at ambigat sa dibdib, kung may magagawa lang sana ako, kung nag open lang sya sana ng mga problema nya, hindi na kailangang umabot sa ganito..
iniisip ko rin, kung sakaling magkabistuhan na’ sana naman hindi na umabot na iparehab pa sya para lang matigil ang bisyong ito, hindi ko lubos maisip kung ilang rehab center sa pilipinas ang tumatanggap ng pasyenteng adik hindi sa ipinagbabawal na gamot, kundi sa tinta ng bolpen.. sana hindi na umabot sa ganun, sana kung makikilala namin sya, sapat na ang pagmamahal namin at concern para tigilan nya yang bisyong to’

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “sino ang adik?”

  1. pipili ba kami sa apat na nasa feesture?he he he…mag pentel pen nalang…tgnan nating kung may kumuha pa..o di kaya lagyan mo ng maahong amoy tinta ng bolpen mo…para kung sumulat sila..amoy baog na itlog ang malalasap nila//hhehe

    ==
    parang mas addictive yung pentel pen, kahit ako hindi naman ako adik pero gustung gusto ko yung amoy nun e..

  2. niyay! ballpen nagkawalaan lol. eh kung may supply ang company ng pen impossible naman na nagkakawalaan pa lol. dapat eh magkalat pa yung pen jan. pero yun nga may adik sa pen. hmmm.. isa siyang rare specie😀

    kelangan natin solusyunan ang sakit niyan. kelangan ma QUARATINE isa isa sa inyo, para matagpuan ang rare specie na yan.

    ==
    uu nga! duda talaga ako!
    hi there, sexy’

  3. hi!grabe!nakakatawa naman tong blog mo!!haha!!i had fun reading ur previous posts!!=) ur a funny, funny man!!=) tc!!

    ==
    wow! thanks’ nakakalungkot lang isipin kse seryoso naman ako pagnagpopost ako, pero tinatawanan nyo lang..
    kiss?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s