kolehiyala at mga hindi tungkol sa kolehiyala

nakasakay kita kaninang pasado ala sais ng umaga sa jip, suot ng pamasok mong puting blouse at paldang mahaba na checkered kumbinasyon ng itim at gray na may maliit na lining na parang dilaw, pasakay ka pa lang pansin ko agad na medyo napasobra yata ang lagay mo ng pulbo sa mukha mo, pero sabi ko sa sarili ko okei lang mukhang hottie pa din yung dating mo, pag upo mo sa harap ko.. napansin ko agad yung bra mo na bumabakat sa blouse mo.. gusto kita sabihan na kung di mo rin lang ako balak bigyan ng karapatan na hawakan yan sana man lang hindi ka nagsuot ng kulay itim na bra habang naka blouse ka na puti at manipis at uupo ka sa harapan ko na para kang nakakaloko’
tinititigan kita pero hindi ka tumitingin sakin, hindi ko mahuli ang mga mata mo, hindi mo ko binigyan ng pagkakataon na maipapansin sayo na kahit puyat ako maganda ang mga mata ko.. marami na kong naitumba dahil sa mga titig kong nakakatunaw FYI.
nung umubo yung matanda sa tabi ko hindi sinasadyang napatingin ka at aksidenteng nagtama yung mga mata natin.. at yung hinihintay ko na matagal at naka lock na tinginan… sadly hindi nangyari’ dinaanan mo lang ako ng tingin na para lang akong isang ordinaryong karatula sa kalsada..
nanlumo akong napatingin sayo.. pinagmasdan kita at napangiti ako sa napansin ko,
kung cartoon character ka.. anime ka, kung hayop ka.. tarsier ka, kung puno ka bonsai ka.. kung artista ka mukha kang pangit na version ni angelika delacruz na maitim,
hindi ka kagandahan sa madaling salita’ at wala kang karapatan na hindi ako bigyan ng pagkakataon na makipagtitigan sayo..
lakas ng dating mo sakin, hindi ka kagandahan pero buong byahe hindi lumilipas ang sampung pintig ng pulso ko na hindi ako napapalingon sayo.. kahit na.. mukha kang tanga na ikaw na lang yata sa buong pilipinas ang gumagamit ng panyong scarf na may design na harley davidson.

walang kinalaman:
salamat joving hottie sa nakakataba ng tit puso na entry na to

click here
kung mali man ang mahalin ka, hayaan mo na yun’

isa pa:
happy 39th founding anniversary
Tau Gamma Phi
– ang high school fraternity ko .. lols’ pagkabugbog sakin di na ko bumalik dun,
sabi nila once a triskelion, always a triskelion daw kaya long live Tau Gamma Phi.
..ye’y!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

10 thoughts on “kolehiyala at mga hindi tungkol sa kolehiyala”

  1. hayun, sa black na bra pala bumibigay ka na, hmmp😀

    ==
    kengks, kengks, kengks.. iba ang dating ng black na bra, okei.. hindi yun pangkaraniwan’ haaays di mo ko maiintindihan.
    anong kulay suot mo ngayon ba?

  2. “kung cartoon character ka.. anime ka, kung hayop ka.. tarsier ka, kung puno ka bonsai ka.. kung artista ka mukha kang pangit na version ni angelika delacruz na maitim,
    hindi ka kagandahan sa madaling salita’ at wala kang karapatan na hindi ako bigyan ng pagkakataon na makipagtitigan sayo..”

    alangya.. walang kaalam alam yung babae na niyari na sya ni jon sa blog nyahahahaha!

    “pagkabugbog sakin di na ko bumalik dun,
    sabi nila once a triskelion, always a triskelion daw”

    wahahahahahaha!

    ==
    bwhah sana nga napicturan ko e.. para kayo kayo na lang ang magblog habang nasa likod na ko ng malalamig na rehas..

  3. tsong, idol din kita sa pagsusulat. lab yer style. action comedy. hahaha. engaging basahin. keep it up! pamatay ang mga litanya mo:

    “wala kang karapatan na hindi ako bigyan ng pagkakataon na makipagtitigan sayo..”

    hahahhaha

    ==
    ngeks, salamat ate!

  4. baka deep inside talaga biker babe siya kaya naka-black bra with matching harley scarf hehe. ilabas mo na kasi bmx mo para mas may dating.

    btw, yung mga triskellion sa high school namin merong chapter anniv sa dec. baka kasama ka dun? ako hindi eh.😛

    ==
    nyay di ako biker blogger ako tsaka lover at di ako kasama dun malamang.. coffee?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s