ikaw ba to?

nakasakay ka ba sa bus na saint rose byaheng lawton galing ng alabang kanina pagitan ng ala una ng hapon at alas dos? lalaki ka ba na flat top ang buhok, nakasuot ng maiksing polo shirt na kulay itim at namumutok ang mga braso sa laki ng biceps? kakatawan mo ba si johnny bravo pero maitim ka nga lang? at mukhang mabaho? may kasama ka bang babae na mukhang nanlalagkit sa suot nyang sleeveless na kulay dilaw at may nunal sa itaas ng kilay?
ikaw din ba yung lalaki na makapal ang mukha na halik ng halik sa batok at likod ng tenga ng babaeng yun na kiliting kiliti naman at halos parang nangingisay na? na dahil malakas ang hangin, isinara mo yung bintana sa tabi nyo dahil nililipad yung kulot na buhok ng kasama mo na mukhang malagkit? na hindi ka pa nakuntento at lumingon ka sa nakaupo sa likod nyo.. at nung nakita mo na maliit na lalaking uubo ubo na mukhang mabait at mukhang mako comatose pag pinahagingan mo ng suntok mo ang andun.. di ka nagdalawang isip at dumukwang ka at isinara yung bintana nya sabay sabing
“sorry, brother nakakaistorbo na eh” at yung pobreng tao sa likod mo ay napailing na lang sabay yuko at pikit ng mariin.. ako yung lalaking yun, sir! at napatingin sa akin yung kasama mong babaeng mukhang puyat, at humawak sa braso mo na parang sinasabi na “grabe ka naman di ka na nahiya at naawa” sabay hagikgik.. at ikaw naman hinawakan mo ang kamay nya na tipong sinasabi mo na ” bah! ” .. gusto ko lang sanang sabihin na may batas na kung sino ang nakatapat sa bintana, sya ang kapitan nun’ wag mong pakialaman ang nasasakupan ko..
ikaw ba yung lalaking yun? pwes makinig ka.. pasalamat ka malaki ka at hindi kita kaya! pakyu!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “ikaw ba to?”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s