galaw galaw!

naaalala nyo ba yung kuya tunying ko? yung nayari sa atake sa puso, paksyet may bago nanaman, may coffee party sa kabilang compound namin, si edmond naman ngayon.. siguro la pang terti years old to’ di ako imbitado sa coffee party nya dahil di naman kami close pero everytime magkikita kami nito nagpapansinan naman kami, at dahil pareho kaming nagaamateur radio dati, pagnakikita nya ko mag isa at nakatambay lang ganto ang kalimitan na takbo ng batian namin:

EDMOND: ano yan eyeball?
JON: ngeks! hindi may hinihintay lang ako
EDMOND: ows! o sige nga patambay din
JON: taragis! wag na umalis ka na..
EDMOND: heheh, kunyari ka pa!
or vice versa pag sya naman nakikita ko na magisang nakatambay..

taragis alarming na masyado tong biglaang atake sa puso ngayon, puro mga ambabata pa’
sobra kse init ng panahon at andami pa pwedeng ikapag init ng ulo mo sa paligid.. haaays’
taragis.. honestly natatakot na ko’ hindi imposible na ako na yung sumunod sa “trend”
potangena! kung may checklist si kamatayan ng mga reasons ng kakalawitin nya.. ay potah’ goodbye cruel world na ang drama ng jon cabron nyo..

1. anlakas ko mag yosi lately, kelan lang ako medyo nagdahan dahan.. bago to umuubos na ko ng higit kalahating kaha sa isang araw.
2. isang kaha mahigit ng yosi pag nagiinom
3. malakas ako uminom ng alak
4. etong nakaraang linggo, halos buong linggo akong nagiinom magisa sa kwarto
5. wala akong exercise
6. wala akong sex life (gusto ko ng mamataaaaay!)
7. kulang ako lagi sa tulog
8. lagi akong puyat
9. lagi akong galit at naka sigaw
10. hindi ako kumakain ng gulay
11. at ayoko ng isda
12. paborito ko ang sinigang na baboy  o baka
13. spaghetti at shanghai ang almusal, tanghalian at hapunan ko ngayon araw
14. request ko yun kagabi
15. ala una ako ng tanghali pumapasok sa trabaho.. sobrang init!
16. ebidensya ang isang tabong pawis na inilalabas ng katawan ko bago makarating sa opis
17. sa kili kili pa lang yun!
18. walang ginagawa sa opis ngayon, kung walang tawag nakaupo lang din ako ng walong oras
19. at dalawang oras sa balikang byahe
20. hindi ako nagsisimba… nya’y!

.. sana naman may warning, wag naman basta na lang ako mapapahawak sa dibdib ko tapos.. uuuuugggggh! aaarrrrrgh! , kabaduyang last words naman nun, pagtatawanan lang ako ng mga ka blog ko nun.. mga hari pa nananaman ng kasarkastikuhan yung mga yun!
sana man lang makapag prepare pako ng matindi tinding last words na tipong ilalagay ng mga sucidal na emo yung sasabihin ko sa mga shoutouts nila sa friendster, o kaya ilalagay ng mga papansing blogger sa header ng blog nila yung sasabihin ko.. haaays wag naman sana akong mamatay na parang kati ng hadhad na inointment lang e nawala na.. please, master jesus?!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “galaw galaw!”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s