on my way to become a hobo!

tseir nauto nalambing ko si mrs. cabron na ibili ako ng computer chair na nakita namin nung last na umalis kami, at dahil hindi naman sya easy to get na babae pinahirapan nya muna ako.. laban daw muna kami trivia, general information.. makalima panalo’ e sus naman nung hindi pa itinatatag ang WORDPRESSPINOY
at wala pa kong mga kaibigan online, apat lang ang ginagawa ko sa net bukod sa mag research ng mga assignments ng anak ko..
1. mag browse ng porn sites.
2. tignan sa friendster yung mga pangalan ng mga namamatay sa dyaryo.
3. humirit ng “nice nick, wanna go out?” sa chatrooms.
at pang apat… tama ka! magbasa ng mga trivia sa net..
habang nagiisip pa sya ng mga itatanong nya naiimagine ko na ang sarili ko na nakaupo sa isang pagkaganda gandang upuan habang nasa harap ng pc at nagso solitaire.
ganda nitong upuan, mesh yung likod nya kaya hindi matatrap yung pawis sa likod mo.. tsaka sakto sya kse mataas yung likod, relax na relax.. sa dimensione sa festi ko nabili.
ngayon pa lang inihahanda ko na ang posibilidad ng mga pagtawag tawag sa opisina ng agent ng citibank, mga sinanay para maging bastos at mang intimidate ng mga hindi makabayad ng utang.. ginawa na nila sa kapatid ko yan’ .. hanggang sa mapilitan ako magresign sa trabaho dahil sa kahihiyan.. magpalit ng pangalan, magpahaba ng balbas, mangamoy, magkalkal ng basura, mamundok, at magpasabit sabit sa mga tren.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

12 thoughts on “on my way to become a hobo!”

  1. Niyaha! yung nasa isip ko nga hinanap ko agad kung may butas sa upuan. Kala ko improvised na alam mo na. lol

    ==
    gusto kitang suntukin sa lalamunan annie, kung sa paanong paraan.. hindi ko alam… tsaka mahal pa rin kita’

  2. wow! sosyal..iba na talaga nagagawa ng mayaman at ng pa swipe swipe na lng…..labs na lbas ka talaga ni mrs.cabron at nasusunod kapritcho mo…..pero alam mo na mas labs kita! hahaha!

    ==
    mas labs mo ko? di ako naniniwala.. isang glass computer table nga dyan! lols.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s