zen stone +

stone plus bumili ko kasama si mrs. cabron ng creative stone plus nung isang araw, ginalugad namin yung buong ayala center, hirap maghanap, puro kse zen stone lang ang available, okei din yun’ ang pagkakaiba lang bukod sa kulang sya ng 1gig kesa dito, wala yun display tulad nito, yung iba sigurong kaibahan di na pansin.. actually dapat ipod bibilhin ko kaya lang nung oras na hawak ko yung ipod na 4gig na 9+ ang presyo at itong white na 2gig na zen stone plus na 4thou lang at sinabi ko kay mrs. cabron na parang mas trip ko yung ipod na 4gig.. bagama’t tumango sya at nagsabi na bahala daw ako habang nakaharap yung tindero, nakita ko sa mata nya ang pagkasuklam, pagkamuhi na may halong pagkabigo at lihim na pag asam na sana laging nakasalpak sa tenga ko yung ipod na yun tuwing tatawid ako sa kalsada.. pinili ko yung zen stone plus’
kanina bumalik kami dun sa ayala center para maghanap naman ng skin with clip o silicon para dito.. tulad ng naunang lakad.. nanakit nanaman paa namin kakaikot.. hirap maghanap.. palihim kong isinusumpa ang mga tindahan na nagsasabing wala silang available na accessories para dito sa mp3 ko.. sinusumpa kong mabingi sana ang mga tindero na bumibigo sakin, kung saktong nagunaw ang mundo nung mga oras na yun, sigurado isa ko sa mga unang malalaglag sa malaking padulasan diretso sa dagat dagatang apoy..
bago ako tuluyang mahimatay sa pagod at sakit ng paa, napilitan na rin akong bilhin yung isang nakita namin, actually para to sa zen stone kaya walang butas para sa screen, pero sakto naman ang sukat kaya okei na rin.. kesa wala’ at sa mga nagtatanong kung bakit pink ang napili ko.. eto lang ang eksplenasyon dyan:
1. walang problema sakin ang pink, dahil sigurado naman ako sa gender ko.
2. masyado na kong astig para sa kulay na itim at pula.
3. para maiba lang
4. masayang kulay ang pink
5. idol ko si majimbu
6. pro gay ako.
… ok, ang totoo, pink lang ang available at pagod nako.. wag nyo kong pagtawanan, ok? ..please. 😥

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “zen stone +”

  1. sabi ko na nga eh., nung una pa lng kita nakita…… kaya pla mas VAIN ka kesa sa akin..mas maayos buhok mo kesa sa akin, mas plantchado ang tshirt mo kesa sa akin, mas mahinhin at tahimik ka kesa sa akin…..kasi.. PINK din ang color na love mo..at dun tayo nagkapareho..hehehe.. mwah!!! peace at lab kita!

    ==
    mas vain sayo? ms claudine wala ng taong mas vain pa sa taong tulad mo na araw araw nagpapa SPA at minsan tulog pa pine pedicure na.. haaays’

  2. huy, unang bisita ko tapos luga agad ang natanggap ko,😀 bakit di mo lagyan ng swarowski crystal ang pink na yan, ala paris hilton talaga, nyahah. p.s. umandar na naman ang pagiging taong bundok ko, ano yang zen stone, huh?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s