senti

ang isa sa pinaka nakakalungkot at pinakamabigat sa dibdib na huling palitan ng salita sa isang relasyon na kailangan ng magtapos ay yung “i love you” at sagot na “i love you too” sabay baba ng fone, lalo na nagbitiw kayo ng pangako sa isa’t isa na puputulin na rin lahat ng komunikasyon (text, private messages sa YM, fone call) . pero di bale, mabigat sa dibdib pero sabi ko nga wala naman na akong magagawa.. at mabilis akong tumanggap ng mga bagay na wala ng kalutasan..
mixed emotion mode ang drama ko ngayon, malungkot na masaya.. masaya kse atleast tapos na sa nakakapagod na pagbubura ng messages sa inbox, pagbubura ng sent items, ng log sa celfone, tapos na rin sa mga biglang kabog ng dibdib pag may nagtext habang kasama si mrs. cabron, sa takot na baka ikaw yun.. tapos na sa mga pasimpleng usap sa fone pag wala si mrs. cabron sa bahay at patagong gamit ng telepono sa opisina pag wala si bossing, masaya kse may parte sa buhay ko na nakumpleto mo, .. at malungkot kse tapos na tayo.
sa edad kong to, naka program na sa utak ko na maging handa lagi sa mga bagay na tulad nito, bata pa ko naka fix na sa isip ko na lahat ng bagay nagdadaan lang’ sa edad kong to sanay na ko.. madami na kong pinagdaanan at naniniwala ako na walang nasayang na oras sa lahat ng ito’ no damage done.. only lessons learned’
may parte sa pagkatao ko na sayo lang kahit ano mangyari, may mga memories na bigla na lang papasok sa utak ko habang abala ako sa ibang bagay at mapapangiti na lang ako’
may sugat na maiiwan sa pagkatao ko na hindi na gagaling.. hindi ko pansin pero laging sasakit pag nasasagi, magpepeklat sa labas pero laging sariwa ang sugat sa loob.. walang pinagkaiba sa taong nakatawa pero hindi naman masaya’
sa huli gusto kong magpasalamat sayo, sa lahat ng sakripisyo na binigay mo at mga sama ng loob na isinukli ko.. hindi ako naging mabuting boyfriend para sayo, pwede mo kong sampalin dahil dun pag nagkita tayo.. pero walang pwedeng kumuwestyon kung gano kita minahal.. dahil putangena dibdib ko to kaya ako ang nakakaalam nun.. wag kayo mangelam!
sa pagtatapos ng kabanatang ito sa buhay natin sana lang wag mo ko tuluyang kalimutan, garbage in garbage out, itapon mo lahat ng sama ng loob at itabi mo yung mga konting aral ng buhay na nakuha mo sakin..
sana lang kahit papano maisip mo pa rin ako minsan.. di man ako naging perpektong boyfriend tulad ng gusto mong iperpektong boyfriend sa utak mo at least sana lang kahit papano mapangiti ka din sa mga minsang pagkakataon na maiisip mo ko..

mrs. cabron,
kung sakaling tangayin ka ng masamang hangin at mapadpad ka sa entry na to gusto kong sabihin sayo na walang pinatutungkulang partikular na tao ang sulat na to’ namiss ko lang sumulat ng break up letter na may halong kaastigan.. ipanatag mo ang loob mo, gumayak ka ng pang alis, isama mo ang anak natin, mag taxi kayo, pumunta sa mall, magshopping, manood ng sine, ubusin mo yang limit ng credit card, pati cash kung may dala ka.. lahat ng pagpapaganda bilhin mo.. bilhin nyo! .. at kalimutan mo na lahat ng nabasa mo dito, okei?!

.. at sa huli mahal kita’ maraming salamat sa lahat.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

8 thoughts on “senti”

  1. sa bawat pagpapaalam meron saya at lungkot.. sa bawat pag mamahal..walang mas matimbang at higit….lahat pantay pantay kapag magkapatong na sa kama… ay mali!..hehe..wala lang…sana goodboy ka na nga talaga..sana happy na kayo ni mrs.cabron..:) kaya nga labs na labs kita at miss na miss…πŸ˜‰..hmmm…ingat!

    ==
    gudboy nako sana sabay miss mo na ko at labs.. hmm’

  2. sana maalala ako ni mrs. cabron na tawagan at isama na rin sa pagsa shopping. tutulungan ko sya sa pag ubos ng cash at credit card ni mr. cabron.πŸ˜€

    hays…idol, mami-miss ko ang mga pa-halabyu-halabyu mo sa YM stat mo.

    ==
    bwahah! langya ka maru binuking mo pa yung kabaduyan sa YMstat ko ampft’

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s