coffee party

may masamang balita nung tuesday, meron kaming patay.. second cousin kami, anak kami ng magpinsang buo. sobrang bata’ trenta lang, atake sa puso ang ikinamatay’ di kami masyadong close ng taong to na tipong naghahanapan kami, pero pag may reunion at di namin nakita ang isa’t isa, nagtatanungan kami.. nakikibalita kami sa isa’t isa sa pamamagitan ng ibang tao.. “kamusta na si jon?” “ayun tai-en pa rin”
tsk tsk.. sabi ko bukas nako pupunta sa burol, para sakto wednesday, and kinabukasan thursday la akong pasok.. sa thursday ang libing, wednesday ang huling lamay.. for sure andaming tao’
aga ako umuwi nung wednesday, harap agad sa pc, relax relax.. gabi na siguro ako pupunta.. inuman yun for sure, badtrip lang sa mga lamay na ganito o kahit saang get together yung mga matatandang obligado kang magmano (mag bless). asar na asar ako nung bata pa ko tuwing pipilitin ako ng nanay ko sa mga ganitong bagay.. “o jon bless ka sa auntie ko” “o jon magmano ka naman sa kapatid ng lolo ng pinsan ng kapitbahay ng tito mo sa bicol na namatay sa tundo nung sinaksak sa tagiliran habang kumakain ng lugaw” nakaka buwisit yung kailangan mo pa lumaktaw sa mga naguusap.. kailangan mo pang putulin yung usapan nila para lang maabot mo yung kamay nila at ilagay mo sa noo mo ng wala yatang isang segundo.. para san ba yun? tsaka yung kukrusan ka “kaawan ka ng diyos” bakit? bakit ako kakaawaan. dahil nilagay ko yung kamay ng matatanda sa noo ko? wtf?! .. tsaka yung sesenyasan ako ng krus, ang tanda ko kung tama ang nabasa ko gagamitin lang daw natin yung imahe ng krus sa harap ng mga kaaway o panganib.. inaano ko kayo?!
may mga matatanda pa na paglagay mo ng kamay nila sa noo mo, hindi bibitawan yung kamay mo at pagtatatanungin ka.. “o ikaw na pala si jon, ano? ang laki mo na.. e damuho kang bata ka nung araw e pagkapanganak mo aba susmaryosep akala namin tatlo ang paa mo.. aba nataranta ang lahat kaya nun din mismong araw na yun nagdesisyon ang lolo mo na ipatuli ka na.. (joke lang yan.. actually grade 5 nako tinuli) o kaya yung mga common na lagi ako sa inyo nung bata kapa, dati mahilig ka sa ganito, kelan ka uuwi ng probinsya.. etc etc.
nanay ko lang naman ang mapilit e.. sya daw ang mapipintasan pag anak nya hindi marunong mag mano sa matatanda, makakarating daw hanggang sa pinakamalalayong probinsya na ang anak ni ganito e hindi marunong magbigay galang..
napagdesisyunan kong umidlip muna.. aga pa’ alas siyete pa lang, 8:30pm siguro ako pupunta para malamang nakahanda na yung inuman nun .. inaasahan ko na na may nagsasakla, may nagbibingo, naggigitara sa inuman at may mga batang nagsha shagidi shagidi sha popoy.. napaidlip ako.. mga bente minuto siguro’ nagring yung fone ko, kumpare ko si richard.. may dadaanan daw dito.. taragis pupunta ko ng patay e, saglit lang naman siguro to.. punta sya dito.. kwentuhan kami sa terrace.. nagkayayaan uminom.. sabi ko sa nanay ko di na ko pupunta sa huling lamay, makikipag libing na lang ako bukas, tutal ala una pa naman yun ng tanghali..

alas dos trenta ng madaling araw kami natapos maginom ng redhorse.. mga 3am na ko nakatulog.. paggising ko 11am.. pwede pa sana umabot sa libing pero masakit ang ulo ko.. comatose mode’ nagpahinga na lang ako sa bahay.. suklam na suklam ang nanay ko sakin!

pinsan.. pasensya na kuya di ako nakapunta sa coffee party mo, lam ko naiintindihan mo ko.. busy kse masyado talaga sa trabaho.. bad trip kse sched ko e’
lam ko nagtatampo ka.. okei lang sakin gumanti ka.. tutal di ako nakapunta sa party mo.. ahhhmm pwede wag mo rin akong pupuntahan tuwing gabi dito.. maligayang paglalakbay kuya tunying!
hanggang sa muli..

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

6 thoughts on “coffee party”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s