horoscope

off ko ngayon, okei sana kagabi.. ‘doh natrapik ako at nabasa sa kalsada, okei na okei pa naman ako.. off din kse ni mrs. cabron ng wednesday alam mo na.. umuulan, malamig, dayoff, isang linggo na.. galing ka straight na siyam na araw nagtrabaho.. pangumaga ka panggabi sya.. haaay wraaaaar!
tingin ako ng tingin sa oras, siyet sana mag gabi na’ kumain ako ng miryenda, kanin at hipon.. grabe sa sarap’ nakatatlong kuha yata ako ng kanin, para kong nagsaka sa bukid sa dami ng kinain ko.. ang masama nun inantok ako pagkakain ko’ ..sabi ko idlip muna ko 5pm pa lang naman sakto to pagkagising sakin ni mrs. cabron maya maya.. tulog na lahat, pati yung anak ko.. haaays’ natulog akong may ngiti sa mga labi..
ilang oras ang lumipas ng hindi ko namalayan, nagising ako ng kusa, sobrang ginaw kse hinahanap ko yung kumot.. kinakapa ko ng bigla akong napabalikawas, pagmulat ng mata ko ang ingay na ng mga ibon sa labas.. alas sais na ng umaga, andun yung anak ko nagpi psp.. yung asawa ko nasa may paanan ko.. nakangangang tulog na tulog.. kung yung iba bumubulong ng dasal pagkagising “diyos ko salamat buhay pa ko” ako naman nung nag sink in na sa akin ang lahat.. (umaga na, hindi ako ginising, hindi na pwede mamaya dahil may pasok sya) napamura ako “potangena”
pagkagising nya diretso luto ng almusal.. sinangag na may hiwa hiwang sausage, ulam na ham at itlog, tsaka kape.. konti lang kinain ko, alam nyang galit ako’ kinakausap nya ko di ko sya kinakausap..
diretso ako sa pc.. bloghops, browse browse, check ng mail.. hmm sa wakas dumapo na sa email ko yung pseudo scandal daw ni angel locsin.. olats! si natt chanapa to e’ kilala ko to.. pero may mga kuha nga na kamukha nya.. tangena ano ba tong pinapanood ko, alas siyete pasado pa lang ng umaga.. kakatanggap ko lang ng grasya ni lord.. haaays kaka hupa lang ng morning erection ko, eto nanaman ako.. hmmm ano kaya kung maya maya diskartehan ko si mrs. cabron.. pagpasok sa skul ng anak ko, pero teka naknangbaka.. alas siyete pasado na bakit di pa nagaayos pumasok sa skul tong bubwit na to..
wala daw pasok.. kagabi pa inannounced, .. okei’ salamat! maraming salamat!
hmm no choice, solo fleight na lang ako, kuha ko ng twalya tsaka yosi.. putaragis dun na lang ako makikipag niig sa first love ko sa banyo’
paksyet may tao’ tuloy muna browse browse, makapaghanap na rin tuloy ng inspirasyon bago pumasok sa cr.. naligaw ako sa friendster account ko at nagulat sa horoscope ko..

horrorscope
maraming salamat sa payo sweet lord or kung sino man ang nakaimbento ng horoscope dito sa mundo… salamat! eye to eye contact ko si mrs. cabron, sinundan ko sa kwarto.. tyumempo.. nakahalata.. nagtanong kung bakit? nilunok ko yung pride ko.. sinabi ko yung pakay ko.. ang sagot nya.. “tumigil ka marami pa kong gagawin! mahiya ka sa anak mo, umuulan, hindi maglalaro sa labas yan, papasok pasok dito sa kwarto yan.. sa sabado na!!”

may mga pagkakataon na gusto kong magbigti at mamatay muna saglit..

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

17 thoughts on “horoscope”

  1. excuse me for tagging here. wala ka po kasing tagboard eh.

    i need your help very badly. 6 votes na lang lamang ng 2nd placer sa Filipino blog of the week, week68. Vote for me naman po! I will appreciate it, very.

    Salamat po!

  2. / jojie
    tnx.. haaays

    /az
    bwahah’ may inaayos akong bago, nilagay ko muna yang dati pansamantala.. and yup’ minsan kinakaliwa ko para kunyari ibang putahe naman..

    /maru
    bwahah’ oo eh.. pareho kasi kami nagtatrabaho and paguwi nya kailangan nya pa asikasuhin yung anak namin.. tsaka… wala na ayaw nya lang talaga’

    /ging
    meron akong cake at hindi ko makain.. haaaays’

    /nice
    wait.. try ko kung umabot pa, sorry kaka online ko lang ulit’
    valuable post .. lols

    /conrad
    tnx bro! luv you too..

    /everyall
    mamaya daw e.. di nako umangal’ antok na rin ako e.. tsaka sino ba naman ako para umangal e tao lang naman ako, asawa lang naman ako, nagpapakahirap lang naman ako magtrabaho ng anim na araw sa isang linggo, walong oras sa isang araw.. haaays’
    kumpleto nga ng cartoon characters ang cake mo.. di mo naman makain’ bushet!

    * pero naisip ko lang, gustung gusto nyo pag may post ako na ganito, gustung gusto nyo pag sexually deprived ako? mga walang kwentang kaibigan!!!

  3. uu nga bespren az, pagkaalam ko si boom-boom bautista ang natalo sa boksing.
    si cabron nakipag boksing nung sabado eh di na rin nakabangon mula sa laban. nagkasarapan na yata o baka naman talagang gusto sundan ang onli bigatin son nila kaya napahaba.
    pag tsismisan na lang natin sya dito tutal di naman yata yun nagbabasa na ng blog nya. wahihi!
    idol, paramdam ka naman. mag update ka. miss ka na namin.

  4. /ging
    but i rather be unpopular than tigang.. nya’y

    /az
    kung ang sabong na sinasabi mo e yung sabong na gera.. naguumpisa pa lang ang sabong..

    /maru
    bwahahah’ andami kong entries na ibinilad sa araw para mas lumutong pag pasok sa blog.. tangenang ulan inanod lang’
    .. itinakbo pa ng pusa!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s