alipin ng pagtatae

gato sir at mam,
pagpasensyahan nyo na po kung hindi ako makakapasok ngayong gabi, tulad ng dati’ sinumpong nanaman ako ng kombulsyon.. sa tyan!
baka naman naiisip nyo na nagdadahilan lang ako at wala talagang iba pang mas gagandang dahilan sa katamaran pumasok kundi pagtatae’ bibigyan ko po kayo ng ilang impormasyon:

* nung pagkapanganak ko daw sabi ng nanay ko, may ipinasok na tubo sa bibig ko diretso sa bituka ko para linisin ang bituka ko..
* eksato dalawang araw, ako naiuuwi sa bahay, ibinalik ako sa ospital dahil sa pagtatae (delikado sa baby ang nagtatae) balik ospital ako.
* eksakto one week pagkauwi ko ulit sa bahay’ isinugod nanaman ako at naconfine sa loob ng limang araw, sa ibang ospital naman.. dun ako unang nakatikim ng dextrose.. nahirapan pa daw yung nurse magtusok ng karayom dahil sa sobrang liit ko..
* hindi ako pwede sa basta bastang gatas nung bata ako..
* grade 1 first honor dapat ako kung hindi lang ako puro absent dahil sa pagtatae
* malaking dagdag na trabaho sa mga janitor ng elementary ang paglilinis ng upuan ko.. mula grade 2 hanggang grade 3. nagpasya ang mga magulang ko na ilipat na lang ako ng eskuwelahan.
* naadik ako sa kremil s nung highschool, ako lang ang estudyanteng may special passes sa guidance counselor na pwedeng umuwi pag sumakit ang tyan..
* madalas na nagpapaalam ako sa school para umuwi at magCR, pero naghuhugas na lang ako pagdating ko sa bahay, at minumura ako ng mga katabi ko sa jip’
* hindi ako nag maynila nung college.. takot akong abutin sa bus’
* saulado ko ang mga cr sa perpetual binan’
* pati yung mga secret cr, at mga schedule kung anong oras matao o hindi’
* pag may malayuang lakad.. umiinom ako ng dalawang imodium bago umalis.. dalawang araw akong hindi magsi cr nun’
* di na tumatalab sakin ngayon yun!
* nung nagtatrabaho ako sa isang factory sa laguna.. nasubukan ko na maghugas, gamit ang eskinol’ (nawala yung sabon ko kse at walang tubig sa cubicle)
* dalawa ang sabon ko sa clutch bag ngayon sa trabaho, isang pang mukha at isang pang puwet’
* mas mabilis matunaw yung pang puwet kesa pang mukha.

sana po maintindihan nyo..
salamat at paumanhin.

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

11 thoughts on “alipin ng pagtatae”

  1. hmmmn…. ngayon ko lang naintindihan kung bakit ang nasa YM stat mo eh, “ang buhay at walang hanggang pagtatae…” kaya pala.

    sadyang malupit na pahirap ang pagtatae a. idol, buti hindi nagkakasugat tumbong mo? wahihi!🙂

  2. hahaha…lam mo ba…habang binabasa ko tong blog mo tawa ko ng tawa…bumalik yung nakaraan saken …kinder hangang naun ..dhil seu nagkaRoon ako ng lakas ng loob na ibahagi din yung karamdaman ko which is ang ” pag tataE” hahaha…

    nakakahiya man aminin…pero halos nagkakapareho tayo ng karanasan nung bata pa tayO…
    before nahihiya pako ikwento to feeling ko kz d ako normal…salamat!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s