buhay online

2001 pa ako sa yahoo’ at masasabi kong mula sa taon na yun hanggang nung isang taon nakagawa nako ng pangalan na walang makakabura, madami akong pagsubok na dinaanan, nilagpasan at sinagasaan. sanay ako na ako lang mag isa’ ako ang hari ng sarili ko, ako ang sarili kong tagapag alaga.. lahat ng tagumpay ko ibinahagi ko sa mga tagasubaybay ko at sinosolo ko yung mga kapalpakan, mag isa akong tumatayo pag nadadapa at ako rin mismo ang nagpapagpag ng tuhod ko at nagtitiis sa sakit ng galos na nakuha ko’
pinag aralan ko ang pasikot sikot sa yahoo.. kilala ko ang sarili ko at alam ko yung mga kahinaan ko, masaya ako na yung mga gusto kong matutunan, nakuha ko.. hindi ko na inasam yung mga bagay na alam kong hindi ko na kayang abutin.. magpapabagal lang lalo sakin yun’
may mga taong kusang naglalagay ng harang para matisod ako’ gusto nila kong subukan pero hindi ko sila binigyan ng pagkakataon na magtagumpay’ talunan nako sa labas ng internet.. hindi ako papayag na pati sa online makakaramdam pako na inferior ako sa iba, lalo na kung sinasadya.. ako ang magbibigay ng respeto sa mga karapat dapat bigyan nun.. hindi mo ko maoobliga sa bagay na yun.. kunin mo ng sapilitan kung gusto mo, nakawin mo kung kailangan mo’
wala akong sinalihan na yahoo groups dati kahit isa, ayoko ng batas dahil alam kong iba ang takbo ng isip ko at may ugali akong gustung gusto ko na nantetesting ng mga rules’ alam ko di tatagal tatanggalin din nila ko.. at hindi ako magaling tumanggap ng ganun.. lalaban ako at ang masama yung mga magiging kaibigan ko sa group na yun hindi malabong madamay pagbalik ko..
syempre hindi mawawala ang karir sa yahoo, lugi ako sa bagay na yan’ hindi para sakin ang online relationship, masyado akong possessive at paranoid para dun.. sasakit lang ang ulo ko’ pero meron pa rin ibang nakakalusot, nakakalungkot lang na yung ilang binigyan ko ng pagkakataon na yun puro palpak’ gagawin lang pala akong pambala sa kanyon’ pang proteksyon.. pang payabang’ dun ko naranasan ang pakiramdam ng ulo ng baboy damo na nakasabit sa mga sala ng mayayaman..
nakakasawa din pala lahat yung mga bagay na yun’ nawawala din yung pagkauhaw mo sa kapangyarihan at humuhupa din yung yabang mo dahil sa kasikatan.. dahil pagtagal tagal pagkatapos ng lahat.. papatayin mo rin ang pc mo at pag gala ng mata mo, dun mo lang marerealize na may buhay sa labas ng internet’ may mga taong may buhay na nasa loob ng bahay kasama mo, at hindi ka tanga para isugal sila kapalit ng kasikatan sa loob ng system unit mo o ng kahit anong napapala mo sa yahoo’ yun ang buhay at realidad’
para akong starfish na kusang nagputol ng isang kamay’ iniwan kong patay yung buong katawan ko at hinintay mabuhay yung kamay na natanggal.. nagsimula ulit ako bilang bagong online creature’ newbie..
alam ko di magtatagal, dadaanan ko ulit yung mga bagay na naiwan ko na dati’ alam ko yun, wala akong magagawa kundi tanggapin yun kse yun ang buhay sa online.. hindi rin ako nakakasiguro kung tulad dati madali kong malalagpasan yung mga harang na yun’ susubukan ko.. mangangapa ako alam ko pero hindi ko basta ibibigay yung laban na iniwan ko dati ng walang talo’ susuntok ako kahit papano’
isa lang ang nasa isip ko ngayon’ hindi ako papayag na maging ulo ng baboy damo ulit na nakasabit sa sala ng kung sinu sino’ gagalaw ako sa galaw na gusto ko at ibubuka ko yung bibig ko para magsalita pag makati ang dila ko’
hindi rin ako papayag na maging dagdag balahibo lang sa sumbrelo ng kahit na sino’
ako ang hari ng sarili ko at may sarili akong mundo online’ kung papayagan kong magpasakop sa iba.. mas gugustuhin ko pang nasa loob ako ng sarili kong kwarto at naglalaro ng alitaptap mag isa kesa naman nasa masayang perya ako na punum puno ng tao pero ako yung featured freak dun na kinokontrol at pinaglalaruan ng mga clowns’

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

10 thoughts on “buhay online”

  1. /edwin
    oo, ‘yung nasa uncle bob and the 700 club, tama ba?!
    .. bob ong yung sa mga maliliit na books’ galing yun!

    /conrad
    salamat!

    /az
    busy yun eh’

    /jovi
    paboritong tindahan? hmm pwede ba si iskang tulak sa riles?!
    anyway.. i love you’

  2. Dear Jon Cabron,

    Eyelabyu 2. Masyado nang naging batian portion tong blog mo so magkita na lang tayo sa harap ng pwesto ni iskang tulak sa riles, bukas sa ganap na alas tres ng hapon. lolz

    Nagmamahal,

    Jovi (Mainit init pa)

  3. Pingback: tanong sagot 22 |

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s