payback

isang blasphemous blog entry kasunod ng todo offensive entry, hindi makakalagpas sa kanya yan’ magbabayad ang dapat magbayad’ sobrang tagal umalis ng bus kanina.. pawis na pawis nako kahit nasa tapat ako ng bintana sa pantatluhang upuan, dalawa yung tiga tawag ng pasahero, yung kunduktor tsaka isang.. hmmm taga tawag lang talaga’
mainit na ang ulo ng lahat, hindi biro yung mahigit 30 minutes kang nakaupo sa bus na hindi naman umaandar’ nakakatatlong stick ng sigarilyo na yata yung mamang driver ayaw pang umalis.. dagdag buwisit pa yung pag kalampag ng mga taga sigaw sa may tapat ko para bigyan alerto yung drayber at para makuha yung atensyon nung mga pasaherong sasakay.. kung anu ano na pumapasok sa isip ko.. gusto kong umuwi at kumuha ng baril sa bahay.. sabi ko tangena bahala na’ patay na kung patay! pero naisip ko na kung uuwi pa ko malamang di ko na aabutan tong bus na to, terti minutes din ang byahe pabalik.. at naisip ko din na sobrang late nako pag umuwi pako, kumuha ng baril, tapos mamaril pako,
at bukod dun naisip ko rin na wala naman nga pala akong baril sa bahay..
nung medyo umaandar na paunti unti yung bus.. nakita ko yung nagbebenta ng tubig iniilag ilag nya yung ulo nya.. tangena nanlaki ang mata ko.. may malaking ipis na lumilipad! sa isip ko tangenang bus na to sa tagal umandar tinubuan na ng ipis.. may napakatinding takot ako sa ipis.. nag escort ako dati sa ms. muntinlupa sa pinsan ko’ nung question and answer na bigla akong nawala.. may lumilipad kse na ipis akong nakita at dumapo pa mismo dun sa lalaking nagtatanong’
di ko malaman ang gagawin ko habang nakaupo sa bus, gusto kong magdasal pero nagiguilty ako dahil dun sa entry ko.. gusto kong magtapon ng pera, gusto kong magpapremyo.. kung sino makakapatay sa ipis na yun’ magbabayad ako.. bente, singkwenta, isandaan.. wala akong pakialam’ mawala lang yung ipis na yun sa sistema ko’
kung yun yung paraan ng paniningil para sa entries ko, syempre hindi nya naman papaliparin yun dun kung hindi papadapuin sa akin.. naisipan kong yumuko na lang at magtulugtulugan kahit pawis na pawis nako sa kumbinasyon ng init at pagkatakot.. ng maramdaman kong parang may nalaglag sa may balikat ko kasabay ng matuling paggapang ng matutulis na paa sa may batok ko.. anlakas ng sigaw ko ng “inaaaaaay!!!” napatayo pa ko sa inuupuan ko.. tawanan yung mga pasahero, lahat nakatingin sakin.. bilang depensa sumigaw ulit ako.. “putangina kse sa tagal umalis inipis na tong bus” napatigil sa pagtawa yung kunduktor at taga sigaw.. sabi nung kunduktor “eh di sana bumaba ka na kanina” sabi nung taga sigaw “kung gusto mo ng mabilis dapat nag taksi ka” .. di ako nakakibo.. yumuko na lang ulit ako’
natutunan ko nung mismong oras na yun na hindi magandang kumbinasyon ang pagpapakita ng karuwagan sa ipis at susundan mo ng paninindak at pagsigaw sa kunduktor.. hindi epektib.. hindi gagana.

ibigay mo sakin ang espasyong natitira para humingi ng paumanhin sa huling dalawang entries ko.. gusto ko lang magpasaya, gusto ko lang matuwa yung mga kapatid ko.. kung nagamit man kita patawad na.. kung talagang dapat akong magbayad dahil dun.. wala akong magagawa’ sana lang kung mamarapatin mo magbibigay ako ng anim na keywords na wag naman sanang mapabilang sa mga pagdadaaanan kong kabayaran:

1. ipis
2. pagtatae
3. holdap
4. sipon
5. format
6. hindi pagtigas
.. maraming salamat po!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

14 thoughts on “payback”

  1. kagabi ba to nangyari? kasi kagabi may ipis sa kwarto ko gumagapang malapit sa PC ko.. shet.. naghabulan kaming parang bata, minsan ako ang taya minsan sya.. pangit tingnan ang 220lbs na lalaking may hawak na tsinelas at napapatalon pag malapit ang ipis. eto lang ang di ko masumpa, ang mawala ang ipis sa mundo.

  2. sabi ni kuya kim atienza, breeding season daw talaga ng mga ipis ang ganitong panahon na tag ulan o medyo malamig. kahit dito sa bahay biglang sulputan din sila. kai-spray ko lang din ng baygon kagabi.

    ipis o daga? 😦 sa ipis na lang ako.

  3. /def
    tuesday ng gabi.. late ako magupdate eh’
    mataya taya .. heheh’ ako pag may naramdaman akong ganyan sa kwarto ko hindi ako makakatulog hanggat di ko nakikitang bangkay yung ipis na yun.. kahit baligtarin ko pa yung kama’

    /maru
    okei sakin ang daga.. wag lang yung halos kasing laki na ng pusa sa may likod namin

    /isagani
    wag mo na lang pahirapan sarili mo.. idlip ka muna kaya?

    /maru
    mas magiging maligaya ang mundo kung di natin gagamitin ang pangalan ng diyos kung saan saan lang.. please’ may baby jesus forgive you..

  4. putah ayaw ko ng flying ipis! shet man! mega sigaw ako lagi pag ganyan. galit na nga nanay ko. ang arte ko daw. eh ang yucky kasi nung paa nila tusok-tusok, paano kung naglanding sa ulo mo? ang lutong pa naman ng ipis…nakakadiri talaga. yuck yuck yuck…

  5. naalala ko nung nagbakasyon ako sa pinas. unang gabi, di ako makatulog. nasa sala ako 12mn nanonood ng tv. suot ko pantulog na daster (silk) pero mini. ako lang mag-isa sa sala shempre nakataas paa ko habang nanood. tulog na lahat. patay lahat ng ilaw. may nakita ako ipis lumilipad, malaki. grabe takot ko dun. pinapanood ko habang lumilipad sabi ko di to lalapit sa akin (pero takot). lilipad lipad… naglanding sa loob ng daster ko dumaan sa may leeg ko!!!! pakshettttt! sigaw ako full volume shempre! sabay talon talon!! hinubad ko ang daster ko kase ang pangetttt naglalakad sa balat ko waaaa! (so nakapanty na lang at medyas). talon talon at sigaw pa rin na parang baliw. gising lahat (mama, papa, 3 brothers, 1 sister) takbo sa sala! pinasindi an ilaw! lahat tulala,… ako naman ay putlang putla. waaa.. (ang tingin nila sa akin eh – inday parang may sayad ka na galing kalang ng middle east).. grrr.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s