gatorade

gatorade sa pamunuan ng gatorade / pepsi,
sana’y bisitahin kayo ng sulat na ito na nasa mabuting kalagayan.. ako po si jon cabron, nilalagnat’ dahil sa grabeng sipon, ubo, namamagang lalamunan at namamagang impacted wisdom tooth, halos kalunos lunos na di po ba?!
sumulat ako’ hindi para magpaawa o para gulatin kayo na may sakit ako.. may kinalaman to sa takip ng bote ng gatorade nyo’
.. iinom ako ng produkto nyo hindi sa dahilang nasasarapan ako sa lasa nito o dahil sa nasososyalan ako sa taong umiinom ng gatorade.. iinom ako sa kadahilanang tulad ng mahigit nobenta porsiyentong manginginom siguro ng produkto nyo.. nanghihina ako at kailangan ko ng lakas.. alam ko na isa ang kalagayan ko sa mga tinatarget nyong kumonsumo ng produktong ito, sampu ng mga pagod sa sports partikular sa basketbol, mga nahihilo dahil sa hangover, o mga nanlalata dahil sa pagtatae.. tama po ba?! ngayon gusto kng itanong sa inyo.. mawalang galang na po’ bakit ganun kahigpit yung takip ng gatorade?! kung hinang hina nako at yung natitira kong lakas eh ibubuhos ko sa pagbubukas ng gatorade.. siguradong mamatay akong dilat ang mga mata at tuyo ang lalamunan.. bakit hindi na lang kayo umisip ng ibang paraan para matakpan ang produkto nyo?! gusto nyo bang dumating ang araw na puro mga lalaking macho na lang ang kumonsumo ng produkto nyo?! yung mga tipong flex na flex mabuksan lang yang boteng yan?! nagtatanong lang po..

PS
nasaan na yung engineers nyo na naglabas nung mga boteng korteng tite?!

love and devotion,
mr. JON CABRON

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “gatorade”

  1. Jon, wag kang mag-alala, meron ng gatorade na plastic ang takip, at mas madali itong buksan kaya hindi mo na kelangan maging flex na flex. Ako, gusto ko yung takip ng gatorade na gawa ata yan sa metal, kasi pwede ko siyang paglaruan pag nalulunod na ako sa stress. Papatunugin ko siya hanggang sa mabiwisit sa akin ang mga kasama ko sa trabaho.

    P.S.
    Pasipsip ng kuko mo, add kita sa links ko ha, salamat!😀

  2. /kei
    bah oo nga noh meron nga palang de-plastik.. la nga lang sa may tindahan dito samin.. and additional kuwatro pesos para lang di na magalit ang masel mo samantalang pwede naman na lahat eh gawing ganun.. aba!

    /ging
    iba talaga pag si ging ang ang bumanat.. parang naglalangis ang buong katawan ko..

    /ulupong
    so sya ang utak nyan? what a moran..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s