yosi kadiri

yosiwalang matinong tao ang maninigarilyo sa pampublikong sasakyan, at ang gagawa nun karapat dapat lang na insultuhin sa kahit na anong paraan! akala yata nitong mamang to sya lang ang may baga sa dyip na yun’ hindi mo kailangan maging henyo para maisip na nakakahiya at nakakasuklam yung manigarilyo sa loob ng pampublikong sasakyan’ may katabi ka na posibleng may hika, may katabi ka na papasok ng trabaho, at walang papasok ng trabaho na gustong amoy usok sya ng sigarilyo.. lalo na usok ng yosi ng ibang tao’ magkano ba yang yosi na yan para hindi mo maitapon? kung nasa huwisyo akong makipag away nung umagang yun o kung malaki ang katawan ko.. aabutan kita ng dalawang piso tapos sasabihin kong babayaran ko na lang yung yosi mo, itapon mo lang.. at pag nagalit ka at dahil malaki ang katawan ko’ sasakalin kita habang pinagsususuntok ko yung mukha mo habang bumibiyahe tayo tapos pag dating ko sa taft bago ako bumaba dadamputin ko yung yosi, maghuhubad ako ng tshirt para makita mo yung mga tattoo ko, tapos papatayin ko yung baga ng yosi sa dila ko’ ayos ba yun?! hindi?! oh alam mo na dapat ang gagawin sa susunod.. good boy!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “yosi kadiri”

  1. usually pag may ganyan sa jeep at malas pang tumapat sa akin…uubo talaga ako ng OA na ubo…as in yung parang hihikain ka na? tapos magtatakip ako ng ilong at bibig…kung may kasama siya…titignan ko yung kasama niya…tapos siya…

    alam mo? favorable ang response. lagi nila tinatapon ang yosi! hahaha!

    pero magkamali lang yun na awayin ako…aawayin ko din siya. baka pa silaban ko ng sarili kong lighter…

  2. walang pinagiba dito sa loob mismo ng opisina ko.. pag ganitong oras (pasado alas sais) dadating ang sundo ng kahera namin, asawa nya. magsisindi ng yosi parang walang ibang tao. kulob at naka aircon.. maghahati-hati kaming anim na hindi nagyoyosi sa loob ng opisina sa ibubugang usok ng tinamaan ng magaling na ‘to.. makikijamming na rin sa yosi ang General Manager namin na nakapwesto lang mismo likuran ko….

    ligpit na ko. magsama sama kayo.. alis na ko…

  3. Nakaka-asar talaga yang mga taong ganyan. Ang sarap murahin. May batas nga tayo na pinagbabawal na manigarilyo sa pampublikong lugar at sasakyan kaso di naman sila pinapansin o nahuhuli. Kaya nawiwili silang gawin yung gusto nila.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s