starta!

starta gusto ko na magusap tayo’ sabihin mo sa kin kung anong problema mo. power supply mo ba o dahil sobrang grounded ka?! kase technician ako hindi ako manghuhula.. at ayoko sa lahat nung basta ka na lang hindi nagreresponse.. walang kibo.. walang beep walang paalam.. wala akong naiisip na kasalanang nagawa ko sayo para pahirapan mo ko ng ganito’ ikaw na nga ang sentro ng buhay ko’ madalas na mas mahal pa kita kesa kay mrs. cabron.. nagtatampo ka ba dahil di na kita nalilinisan tulad dati?! dahil ba puro alikabok ka na? o dahil sa may mga langgam sa loob mo at sapot ng gagamba?! sabihin mo dahil kung yun lang ang paraan para makita ko ulit yung POST mo.. para magamit kita ulit’ by all means di ka magdadalawang salita sakin.. sana rin lang maintindihan mo na nagtatrabaho ako’ sobrang hectic ng sched ko para pa magawa ko yung dati na araw araw kitang nililinis.. pero kahit ganun naman kita mo naman minsan mas una pa kitang hinaharap kesa sa anak ko’ ganun kita kamahal.. nasa opisina ako ngayon habang binabasa mo to at umaasa ako na paguwi ko.. paghimas ko sa katawan mo at pagpindot ng button.. gagana ka na’ communication gap lang to maayos natin to’

respeto at pagmamahal,
JON CABRON

PS
walang burahan ng files ha?!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “starta!”

  1. waaah!!!epektib siguro yan idol!!!kaya nakakarelate ako sa lahat storya mo,technician rin ako at i.t. pero idol kita pagdating sa mga ganyang isipin,sulatan ba naman ang pc!!!haha!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s