basag

meeting daw para sa april 14 highskool reunion..pumunta ko’ dalawa pa lang kami..
bago maubos yung isang case na colt na pinagsalitan namin yung tagay dumating si nick.. di naman umiinom yun kaya walang naitulong.. naubos din namin.. tig kalahati kami.. dumating si jonas.. representative ng ibang tropahan nung highskool.. pabili pa kong isang case.. dumating si baldo..
apat na kaming tumatagay sa pangalawang case.. kakuwentuhan ko si jonas.. kamusta na ko.. kamusta na sya.. oh dun ka pala ngayon?! ahhh so kilala mo si ano?!
naaalala ko nun maliwanag pa.. pahapon pa lang’ .. then yun na’ blackedout nako wala na kong maalala.. dahil pakiramdam ko.. kumurap lang ako ng medyo matagal’ pagmulat ng mata ko.. nakahiga nako sa kama namin.. tanghali na at may nagte table tennis sa loob ng ulo ko.. taena sobrang sakit!
online ako agad kse alam ko aabutan ko si baldo.. wala talaga akong maalala.. gusto ko makibalita sa mga kainuman ko kse malay ko ba kung sa sobrang kalasingan namasaker ko na pala sila.. yari ako’
.. bukas ng pc.. automatic login sa net.. login sa YM.. sakto online nga.. di ako nagpm’ nakiramdam muna ko.. maya maya nagpm sakin.. minumura ako’ lasing na lasing daw ako.. paksyet!
.. di ako nakuntento’ tinext ko si nick.. ang sagot sakin… “taena basag na basag ka nanaman kagabi” .. so yun na kumpirmado na’ na walang kuwentang kaibigan ang mga kasama ko kagabi para pabayaan akong uminom ng uminom kahit hindi ko na kaya.. mga pakyung prends! at malay ko ba kung ayaw ko na uminom tapos pinipilit pa nila ko.. kinakantyawan.. at syempre para maipagtanggol ko yung pagkalalaki ko.. napilitan na kong uminom kahit sagad na sagad nako.. sana lang mabasa ni mrs cabron lahat ng ito para imbis na masuklam sya sakin na umuwi “daw” akong lasing na lasing na pagkakulit kulit at ang baho baho eh kahabagan nya pa ko sa pagkakaroon ng mga kaibigan na mga ganun.. mga sumasamantala sa kahinaan ko.. and sana rin maintindihan nya na hindi ko intensyon na sirain yung screen ng bintana namin para lang sumuka sa labas.. talaga lang hindi ko na kayang lumabas ng kwarto.. sana rin pag nakita nya yung ihi ko sa gilid ng computer table’ mahalin nya pa rin ako’

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

2 thoughts on “basag”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s