opis

dati pa may dating nasa kin ang opisina na sumi synonym sa salitang plastikan at kaplastikan.. first time ko magtrabaho sa opisina and masasabi ko na in a way.. tama nga ako’
galing ako sa pabrika.. nagtrabaho bilang operator ng malalaki at maduduming makina.. kasama ko yung mga walang pinag aralan.. mga nakataas ang paa pag kumakain.. dumudura sa daan.. palamura.. maiingay’ pero enjoy ako’ yun yung lugar na hindi nakakahiya pumutok ang pagubo mo dahil sa plema.. hindi nakakahiya pag nakalimutan mo mag deodorant bago pumasok at inaanghit ka na.. hindi nakakahiya matalisod, madapa, matapilok.. magkamali sa english, etc. malaki ang alinlangan ko nung magaapply nako dito sa opisina.. kahit saan ko tignan parang hindi ako babagay kahit saang sulok ng hotel.. lalo na hindi ako pang “office material”. pero sinabi ko sa sarili ko susubukan ko na rin magapply tutal pakiramdam ko di rin naman ako matatanggap’ san mo naman ilulugar ang vocational graduate sa IT ng isang hotel?! di lang yun.. kumbaga sa beerhouse para akong nagaapply maging hostess pero never been kiss never been touch pa ko.. dito ko lang nakilala si rj45, cat5, crimping tool, IO port, etc etc.. nakakatuwa na nung unang trabaho ko na kaharap ang manager nagpakuha ng LAN cable.. inabutan ko ng telephone wire tapos tinanong ko.. “okei na ba to sir?!” bwahahahahah” ako ang IT na IT log!
nyway’ halos kulang one year ko inoutcast ang sarili ko sa ibang mga tao dito.. bukod sa mga kadepartment ko talaga.. dahil naka set na ang sistema ko na andito ako para lang magtrabaho.. hindi para makipag kaibigan hindi para makipag landian hindi para makipag bonding sa kahit na kanino.. bukod pa dun hindi pa rin nawawala sa sistema ko yung pananaw na talamak ang plastikan sa opisina..
na mas mabuti pa sa pabrika na malayo pa lang amoy mo ng balahura ang isang tao kesa sa opisina na magkadikit na ilong n’yo maghapon ‘di mo pa nakikilatis kung ano talaga ‘yung amoy.. natatakpan daw ng mamahaling pabango at natatakpan ng pinagaralan..
sa puntong yun nabigyan sakin ng linaw kung bakit nasasabi kong hindi ako pang
“office material” masyado kse akong totoo.. pag galit ako galit ako.. pag buwisit ako buwisit ako at pagpangit ka sa paningin ko.. pangit ka talaga.. pero atleast nakikibagay naman ako.. tuma timing ako’ hindi naman yung harapan na sasabihin kong.. “pare ambaho ng hininga mo.. tae ba almusal mo?!” .. hindi naman siguro kaplastikan yung hindi ko na banggitin ng harapan yun.. well not unless tatanungin mo ko direkta kung ano amoy ng hininga mo..
one thing na masasabi kong gift sakin yung pagiging mabilis kong magkaron ng kapalagayang loob kahit saan ako ipwesto.. dalawang beses  ko ng sinubukan makipag close sa isang tao dito na nasa labas ng department namin’ yung una.. hindi sya ordinaryong empleyado lang.. sobrang close kami na exclusive pag kailangan nya ng assistance regarding computer stuff.. ako ang hinahanap nya.. pag wala ako’ tsaka na yang problema sa computer.. masaya syang kakwentuhan.. puno ng katatawanan at kabastusan.. magandang pamatay oras’ pinapayuhan nya rin ako na talaga naman naaappreciate ko.. kaya lang dumating sa punto na gumawa sya ng kalokohan  na kinasangkapan nya pako .. and worst sa department pa namin.. bago lumakas ang usok at kainin ng apoy ang pagkatao ko.. pinagkanulo ko sya sa head namin.. casual employee pa lang ako nun.. nagpupumilit pa lang magkapwesto sa hotel.. pakiramdam ko naman maayos akong magtrabaho.. hindi ako papasira sa ganun lang.. hindi ko lalagyan ng mga paa yung ahas na naipinta ko ng maganda… mula nun hindi na ulit ako umakyat sa department nya ng hindi tungkol sa trabaho.. hindi nya rin naman na ako tinatawag para lang makipag kwentuhan o magpatay ng oras.. wala ng mga payo.. wala ng mga kabastusang kwento’ wala akong pakialam na kung iniisip nya man na trinaydor ko sya.. basta ang sa akin.. ginawa ko lang trabaho ko.. and itinuturing ko na lang na baptism of fire yung nangyari..
yung isa naman masasabi kong swerte swerte.. may mga problema kse sila sa computer na ilang taon na at ilang tao na ang tumingin pero hindi naayos.. chamba chamba.. naayos ko isang upuan lang.. (trouble shooting = 20% knowledge + 80% luck) mula nun naexclusive na rin sila sakin.. ako naman natutuwa.. sobrang appreciated kse ako pag andun ako.. may mga pagkakataon na pakiramdam ko binobola na ko pero okei lang..
kaya lang isang beses pinapunta nya ko dun hindi para magassist.. para lang magpaturo ng labas sa trabaho namin.. pagdating ko.. the usual bola bola.. then may tumawag sa fone nya’ .. personal call hindi tungkol sa trabaho.. usapang magkumare.. walang halong exag halos mahigit 30 minutes ako naghintay para lang maharap nya ko at maituro ko sa kanya kung pano gumamit ng media player para magpatutog ng cd sa computer.. nawalan na ko ng gana after nun..
tulad ng ibang IT dept.. kalimitan pag walang tawag …walang trabaho’ madalas nagkaka kuwentuhan.. normal din sa kwentuhan yung kung sino ang wala.. sya yung tinitira.. and masasabi kong ako yung pinaka vocal.. pagdating sa bagay na yun’ tinatanong ko sa sarili ko kaplastikan ba yun?! hindi naman siguro.. kumbaga positive critisism naman yun.. ayaw mong ganunin kita.. gumawa ka ng maganda.. hindi naman ako tipong gagawa ng mali mo para lang may mapagusapan.. paninira ba ng patalikod yun?! eh di tanungin mo ko ng harapan..  sasabihin ko sayo.. walang personalan’
ramdam ko rin ang diskriminasyon dito nung casual employee pa lang ako.. iba yung tingin sa gumagamit ng time card sa mga tulad ko ngayon na parang atm na ID (swipe) ang ginagamit.. andami rin dito na pag hihingi ng pabor ambait bait.. kahit lalaki ang lambing lambing.. pero pag nakasalubong mo sa ibang araw na hindi ka nila kailangan.. mapapahiya ka pagbati mo.. ni hindi ka pagkaka abalahang sulyapan.. ilang beses nangyari sakin yan..
nakaka sira ng araw yung may makakasalubong ka.. na nung isang araw ambait bait nung inaassist mo sya dahil meron sya hindi magawa sa kompyuter nya.. tapos babatiin mo sa daan.. tatanguan mo sabay bati.. kahit man lang taasan ka ng kilay di magawa.. nakaka panliit’ iniisip ko na lang.. mas kailangan nyo department ko kesa kami ang
mangailangan sa inyo..
under probi nako ngayon.. hopefully bago matapos ang march graduate nako’ regular na.. hindi nako basta basta magmumukhang tanga kakatawag ng sir sa mga hindi naman dapat.. hindi nako magmumukhang engot kakasunod sa mga utos na pang out of this world.. hindi na rin ako magpapaka timang sa pakikisama.. itinuturing ko na lang na pagmamatrikula lahat yun… pag kagraduate ko wala na lahat yun.. bakit pa ko magmamatrikula kung graduate nako?!
naisip ko rin minsan hindi mo man gusto.. kailangan mo ring maging plastik talaga.. ayaw mo man kailangan mo pa ring lunukin ang ego mo para lang mag sink in ka sa isang kumpanya.. dahil sa opisina.. mas madalas BASTOS ANG MAGING TOTOO! ..
walang modo ang magsasabi ng totoo ng harap harapan’

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

5 thoughts on “opis”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s