lucky child

   paguwi ko galing trabaho naabutan ko ang asawa ko na nakabantay sa may pinto ng cr’ magkahawak ang pawisang kamay.. nasa mukha ang pag aalala.. eksena ng nanay na nasa labas ng operating room habang nasa loob ang anak na nagaagaw buhay.. pero awa naman ng diyos wala namang nangyaring masama sa anak ko sa loob.. kaya lang sya andun dahil constipated sya.. actually first time nya magkaganun kaya todo suporta yung nanay nya sa kanya.. andyaang magkahawak kamay sila habang tinuturuan ng mommie nya na umiri yung anak nya na tipong pag nanganganak.. andyaang sa likod ng nakasarang pinto binubulungan ng mga words of encouragement.. “kaya mo yan anak basta tandaan mo pagpalabas na diretso lang.. wag mo puputulin” o kaya “humawak ka lang sa tuhod mo tapos magisip ka ng magagandang bagay habang umiiri“.. napapangiti na lang ako habang nagbibihis ng pambahay’ iniisip ko kung pano ako makakatulong sa isang matinding pagsubok na pinagdadaanan ng anak ko.. damn kung pwede lang ako na umiri para sa kanya.. sa pagkakataong ito tulad ng sa ibang madaming punto ng pagiging mabuting ama.. bigo ako.. wala akong magawa’
   at tulad ng isang tipikal na ama (o baka katulad lang ng tatay ko) pagwala akong maitulong o maicontribute man lang na payo or diskarte sa mga pangyayari.. defense mechanism na manenermon na lang ako. “ayan ang sinasabi ko pati kse paginom ng tubig kinakatamaran kaya ayan” o kaya “kung anu ano kse kinakain mo kaya ganyan
   mahigit kumulang isang oras na raw anak ko dun sa loob kaya ako na yung lumapit at sa pagkakataong ito hindi na pagiging ama ko ang iniharap ko sa kanya kundi isang  
 kaibigan .. kaibigan na handang dumamay sa lahat ng pangangailangan
at handang magbahagi ng pansariling karananasan para sa ikakapanatag ng loob nya.. eto ang mahabang litanya ko sa pagitan ng pagsinghot at pamasa masa ng mata at miminsang paghikbi..
anak’ okei lang yan.. isang mahabang iri lang yan’ swerte ka pa nga kse tinitibe ka lang
ako alam mo ba anim na beses sa isang linggo na walong oras akong nasa opisina.. isama mo pa yung halos tigisang oras ko sa byahe.. sa mga pagkakataong yun lagi akong magisa lang.. hindi ko ganun ka palagayang loob yung mga tao sa opisina at hindi ko kilala mga tao sa byahe.. kilala mo naman ako laging nagtatae so mas malamang sa hindi na anytime pwede ako abutin sa byahe o sa opisina.. anytime pwede akong mapahiya’ iba yung nagtatae kse hindi napipigilan yun.. hindi tulad nyang constipated pwede mo ireskedyul pag pagod ka na.. ako isang beses lang ako mapatae sa pantalon.. sa harap ng maraming tao habang buhay ko na dadalhin yun..
   kaya swerte ka anak.. swerte ka pa’ hindi tulad ko ilang taon ko na hindi nakikitang buo ang tae ko..
  maya maya pagkatapos ng isang mahabang katahimikan bumukas ng bahagya ang pinto ng banyo.. dumungaw ang anak ko.. pawisan namumula ang mukha.. mugto ang mata’ pero bakas ang liwanag sa mukha.. nakalarawan sa anyo ang tagumpay.. tapos napangiti ang asawa ko at napayakap sakin.. unti unting lumabas ang anak ko at bumulong..
tapos na.. tignan nyo” naguunahan kami ng asawa ko na pumasok sa loob at sumilip sa halos isang oras na nagsilbing limliman ng anak namin.. it’s a boy! bukul bukol and color green.. yuck!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “lucky child”

  1. @ purpleheadd
    mismo.. di lang napupuna pero kasama sa obligasyon natin yun bilang magulang..

    @ tin-tin
    i can sense na may traumatic experience ka re the topic..
    sana malagpasan mo yan.. andito lang kami ni purpleheadd if ever kailangan mo ng tulong pag ire =)

  2. “pagwala akong maitulong o maicontribute man lang na payo or diskarte sa mga pangyayari.. defense mechanism na manenermon na lang ako.”

    I thought this was the forte of lola’s and unmarried tita’s na nakikialam… pati pala mga tatay ganito magpakita ng concern.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s