etcetera.. etcetera

.. first time ko pumunta sa robinsons ermita.. dami chicks grabe’
andun ang pinakamagulong national bukstore na napuntahan ko..
andaming mga stores na tagal ko na di nakikita pero meron dun..
may umutot sa national bukstore.. grabe amoy utot ng gutom’
nagreact lahat ng mga nakaamoy.. ako yung pinakamalakas magmura..
.. bumili ako ng libro “ang mundong ito ay lupa” ni edgardo m reyes paborito kong author yan tsaka si lualhati bautista.. amporma kse nila magsulat.. parang hindi scripted’ yung mga dayalog parang maririnig mo sa kapitbahay mo.. kaklase.. katrabaho o pati sa loob ng bahay nyo..
.. bumili din ako ng action figure na gollum..(LOTR) post ko pict later’ ang cute’ nabili ko sya sa nagtatattoo.. dalawang beses nako muntik ng magpatattoo sa likod’ magkasunod na araw.. tagal ko na gusto eh’ may designs na nga ako downloaded sa net.. buti na lang hindi natuloy.. ngayon kse parang ayoko na’ muntik nako magsisi kung tumuloy ako..
.. naisipan ko rin ibili ng regalo yung asawa ko.. first time ko magregalo ng damit’ ang hirap ipili.. dalawa yung binili ko tapos pinabalot ko pa ng special dun sa nagbabalot talaga.. pambalot pa lang isandaan na ginastos ko.. pambalot pa lang regalo na..
.. nagregalo rin sya sakin.. may bago na kong fone.. nokia 6288.. color black’ 2.0 mpix ang ganda.. kaya gudbye na sa ever trusted 3660 ko.. post ko na lang mga pict later.. sobrang tinatamad kse ako pagnakakauwi ako.. 6am – 2pm ako di ba?!
.. sarap din 6 – 2 para ka lang nakialmusal sa kapitbahay.. ang bilis ng oras’
.. di ako nahihirapan gumising ng umaga.. nahihirapan ako matulog ng maaga’
.. nagiinit ako ng tubig pampaligo’ di ko kaya yung ginaw.. dun na rin ako kumukuha ng pangkape..

.. yung umutot sa national bukstore
   ako yun..

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “etcetera.. etcetera”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s