alas sais ng umaga

   ngayong araw na to.. tao na ulit ako’ makikisalamuha na ulit ako sa mga taong nagoopisina sa kumpanyang pinapasukan ko.. hindi ko na kapareho ng shift ang mga whitelady at mga multo sa hotel.. isang buwan din akong 10pm – 6am shift.. grabe nakaka miss matulog sa kama ko ng magkasunod na araw’ although hindi pa rin pwede magbabad sa higaan dahil alas kuwatro ng madaling araw kailangan ko ng bumangon para maginit ng tubig pampaligo.. dun na rin ako kukuha ng pangkape (heheh) .. halos isang oras ang byahe ko isang araw.. kasama na dun ang trapik sa alabang at tagal ng bwakaw na konduktor at drayber ng bus sa paghihintay ng pasahero..
   actually patay na oras ang pasok na alas sais dahil alas otso naguumpisa magkatao sa opisina so ibig sabihin kung wala namang naendorse sayo na trabaho yung sinundan mo.. dalawang oras kang nakatunganga.. pwede ka magkape at magtinapay sa cafeteria.. magbrowse sa internet. o magblog syempre’ kung medyo matigas ang mukha mo.. pagsapit ng alas nuwebe pwede ka pa mag coffee break.. alas dose ang lunch break then pwede ka bumalik ng quarter to one.. then konting ikot ikot.. konting browse sa net habang nakakunot ang noo para magmukhang busy.. konting kuwentuhan sa mga kasamahan.. alas dos na!
   isang buwan akong 6am – 2pm’ sana walang aberya masyado tulad nung last shift ko.. sana lagi ako maka gising ng umaga para naman wala akong late’ mahirap sakin tong sked na to eh ako kse yung taong hindi ko problema na gumising ng madaling araw.. ang problema ko yung matulog ng maaga.. masyadong malikot ang utak para magpahinga ng maaga..
   kahapon sobrang pagod ko..nag change day off kse ako so imbis na wednesday off ko nagday off nako kahapon.. para di ako straight duty.. baka mahimatay ako pag nag 10pm to 2pm ako.. grabe yung tinulog ko.. nakauwi ako at nakakain mga 9:30am.. nagsimula matulog ng 10am.. naggising ako kinabukasan na ng 12am pagdating ni mrs. cabron then tulog ulit after 30minutes tapos naggisng ng 3:30am. almost 17 hours na tulog’ beat that.. astig! halos tatlong full lenght na istorya yung panaginip ko.. yung mata ko muntik ng langgamin.. ang sarap sa pakiramdam’ kaya lang wala na kong day off.. sa valentines na ulit.. potah! .. buti na lang may extra off pa ko.. so pwede akong mag leave pa sa wednesday.. yahoo buhay nanaman ang sex life i mean ang social life..

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s