gudmorning pilipins

naisip ko lang kaninang umaga habang nasa bus.. byaheng pauwi galing sa midnight shift.. ang lamig ng hangin na pumapasok sa nakabukas na bintana.. nakaka antok’
 may sumabit na dalawang kabataan sa bus’ parehong may dalang plastik na nakatago sa ilalim ng damit nila.. hindi mahirap hulaan na rugby yung sinisinghot nila.. sa ganung oras ha! .. siguro yun na yung almusal nila.. pinapababa sila nung kunduktor na payat.. pero di sila natinag.. nasa may pinto lang naman daw sila at malapit na raw sila.. walang nagawa yung kunduktor.. kahit pa natatakot na yung ilang mga kasabay kong kolehiyala.. pero infairness mukha naman walang balak mag trip yung dalawang bangag.. naisip ko lang ano kayang pakiramdam ng rugby sa almusal?! sabi nila nakakahilo daw yun.. so ibig sabihin pasado alas sais ng umaga nagpapakahilo sila.. para makalimot daw sa gutom.. pwede nga naman’ pero pano pagkalipas ng tatlong oras pag wala ng amats ng rugby?! sisinghot ulit?! followup?! potah!
 sa may tulay sa expressway sila bumababa.. at infairness ulit sumigaw sila ng pasasalamat dun sa kunduktor.. heheh talo pa yung ibang mga may pinagaralan na walang modo ah’ .. sinundan ko sila habang naglalakad sila.. sumisinghot pa rin silang dalawa.. napansin ko dun sa nilagpasan nila may isang gripong nakabukas.. tapos may lumapit na nanay karga yung anak nya.. yung bata nakasando lang walang salawal.. hinugasan nya yung pwet ng anak nya dun sa gripo.. pagkatapos dumating yung isang anak nya.. umiiyak.. madaling hulaan na mas panganay yun kesa dun sa batang hinuhugasan ng pwet.. maya maya lumuhod yung batang panganay sa gripo tapos uminom sya gamit yung kamay nya.. yun na rin siguro yung almusal nya’ potah!
  tuloy ang byahe ng bus.. anlamig pa rin ng hangin..
   hindi kalayuan dun sa lugar na yun may umpukan ng mga nanay.. mga babaeng may idad na.. naninigarilyo pa yung iba habang nakaupo sa tindahan.. sila yung mga nagaalmusal ng tsismis.. tumitigil lang sila kakasalita pagmakikinig sa iba o pag naghihikab.. minsan nga hindi pa’ pinagsasabay nila yung paghikab sa pagsasalita lalo na pag nasa climax na yung kwentuhan..
nakakainis isipin na yung mga karakter sa mga tsismisan nila mga natutulog pa.. kung pwede lang mabilaukan habang natutulog malamang maraming sabay sabay na mamamatay sa bangunot nung umagang yun’ .. habang kuwentuhan isa isang maglalapitan yung mga anak nila.. may humihingi ng baryang baon.. may naghahanap ng medyas.. may kulang ang butones ng polo.. may bunsong nagsusumbong kse sinipa ni kuya.. ..nanghihingi ng pambayad sa project.. kalimitan yung mga anak nila pagmagkakasing idad lang malamang sa hindi magkakaklase pa yung mga yun.. kaya dagdag sangkap sa kuwentuhan ng mga nanay pa yun.. kung sinong anak ang pinakamagaling at kaninong anak ang pinaka mahina.. ang napatae sa eskuwelahan.. ang pinakamalibog.. ang pinakaguwapo.. ang amoy nana at amoy pulbos..
 .. unti unting kakalam ulit ang mga sikmura nila.. ng mga tsismosang nanay’ ng mga bata pabyaheng eskuwelahan’ mga tatay na may hangover pagkagising kaya sumusundot pa ng isang lapad.. mga rugby boys.. pero wala naman silang mapagpipilian.. daldal na lang ulit ng daldal.. singhot ng rugby.. iipitin na lang ng mga bata yung tyan nila para di maramdaman yung pagkalam.. si tatay nangangatwiran.. ang alak laman tyan din naman.. malalasing ka na mabubusog ka pa.. sa pagkain mabubusog ka nga di ka naman malalasing..
ganyan na lang ang ikot ng buhay nila.. araw araw.. tuwing umaga’
.. sa huli ang may pinakamasayang umaga.. yung may anak na nagsipag kagabi.. nagpuyat at sinuwerte sa kara krus kaya ngayon may kropek silang mag anak pangsawsaw sa mainit na tubig.. solb ang almusal’

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “gudmorning pilipins”

  1. sabi nila (hindi ko alam kung sino sila…basta) ang almusal ang pinakaimportanteng oras ng kainan…siguro nga…marahil. kaya nga may mga taong lumalanghap ng rugby kahit na sa umaga. kasi importante ang oras na yun na mapunan ng laman ang tyan nila…kahit man lang sa isip lang sila nabubusog dala marahil ng pagka-high sa rugby. minsan subukan nila ang am=ng acetone.
    Ang mga tsismosa pinupuno ang utak nila (hidi ang tyan) ng samut saring tsismis tungkol sa kung sino sinong kapitbahay nila dahil para sa kanila ang almusal na tsismis ay mas mainam sa ikabubuti ng katawan nila, higit pa sa sustansyang maaaring idulot ng pandesal at kape. kung pwede nga lang mabilaukan ang tulog na tsinitsismis nila…pwede siguro…
    at salamat sa mga batang walang humpay na nagsusugal sa may sulok ng isang eskinita para lamang mabigyan ng almusal ang kanilang mga pamilya na pinamumunuan ng mga magulang na walang ginawa kundi tumunganga at maghintay kay Vicky Morales na tuparin ang Wish Ko Lang nila.
    maganda ang umaga Pilipinas.
    Maganda rin ang sinulat mo…
    etong komento ko parang komento ng nakalanghap ng acetone…
    o sya…salamat sa pagdaan sa sulok ni Joga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s