maligayang pasko

.. ye’y tapos na ang pasko’ .. ipon ipon ulit ng pera na naapektuhan sa pagbili ng regalo at gimik.. nyway’ nakagimik ako nung twentipayb na ng gabi.. actually nasa trabaho pa ko nun’.. may nagtext kse sakin na isang taong hindi ko inaasahan na babati sakin.. although baduy yung quotes nya about christmas (heheheh) talagang natouch ako.. sya kse yung isa sa bestfriends ko talaga.. madami kami sa tropa pero sya lang yung kokontak ng alanganing oras para magyaya uminom’ pag nagiinom kami nito para lang kaming nagcchess.. tindi ng pinagsamahan namin ng taong to.. sa beerhaus hopping namin.. sauna trip.. yosi trip.. at kung anu ano pang kalokohan’ kaya sobrang nalungkot din ako nung basta na lang kami hindi nagkontakan.. aaminin ko na malaki yung mali ko na nakihalo ako sa problema nilang magasawa.. at mas masama kumampi pako sa isang side.. at ang mas masama.. hindi pa sa kanya’ ..buti na lang sa isang tipong away kapatid.. walang sumbatan na narinig.. walang maanghang na salitang pinakawalan.. kaya tipong isang text lang.. limot na lahat.. ambilis maibalik yung dating samahan.. nung nareceived ko yung text tumawag agad ako sa kanya.. tinanong ko kung na wrong send ba sya’ hindi daw.. talaga raw para sakin yun.. minura nya ko ng pabiro.. minura ko rin sya’ tapos nun nagkayayaan na.. sabi ko ten pa labas ko.. okei lang daw’ .. pagcancel ko ng tawag’ ang sarap sa pakiramdam.. atleast nabasawan na yung pabigat sa buhay ko.. bwahahahah’
binalak ko mag half day.. hindi nagreply yung papalit sakin sa trabaho.. pinlano ko mag undertime.. di rin pumasok ng maaga yung papalit sakin.. nung 9pm na atat na atat na ko.. sobrang bagal ng oras.. ginawa ko na lahat para malibang.. dalawang beses ako naggawa ng report.. potah ang tagal ko ginawa pero 10minutes lang ang kinain.. nag bloghopping ako, nanood sa youtube, bumisita sa mga forums.. etc pero wala pa din.. potah! tapos tinawagan ko yung isa pang tropa.. niyaya ko sumama.. umokei naman pero wag daw masyado gabi dahil inaantok na sya.. sabi ko sige uuwi agad ako.. sabi ko eleven nasa bahay nako.. mission impossible alam ko.. matagal magpuno yung bus and may konting trapik pa syempre.. pag patak ng alas diyes.. lumabas na agad ako.. sa may malapit sa labasan ko na nakasalubong yung karelyebo ko.. konting bilin bilin takbo na ko.. lakad ng konti.. sakay ng dyip.. abang ng bus.. hintay umandar.. nakakapraning isipin na nung hinihintay ko yung alas diyes kanina sobrang bagal pero ngayong nagmamadali ako makauwi napakabilis naman ng oras.. mage eleben piptin na ako nakauwi.. si baldo nasa may tapat na namin dala yung motor nya.. then kain muna kami saglit then punta na kila benjie.. sinalubong agad kami ni benjie pagdating namin.. sya yung unang binati then pag tingin sakin.. napangiti lang.. sinipat sipat kung ano nagbago sakin.. speachless ang tuleg.. pati ako.. then sa wakas bumuka din yung labi nya.. “ang taba mo ngayon!” potah!
tapos nun sinuntok nya ko sa balikat.. masakit.. lumabas yung daga’ .. sabi sakin
“tangina mo tiniis mo ko” heheheh.. then inuman na.. konting drama nya.. konting paliwanag.. konting asaran.. tapos nun wala na kahit konting ilangan.. parang walang nangyari.. tapos ilang ikot pa napansin ko hindi na makamulat yung kumpare ko.. lasing na.. inubos na lang namin yung nasa pitsel pero sya pumasok na.. hindi nagpaalam’ .. dun ko lang lalo nakumpirma na wala na sa kanya lahat.. bastos na eh’
maraming salamat pare ko.. at pasensya ka na.. di na mauulit sa susunod.. pero tulad ng stand ko dati ganun pa rin naman.. mali ka talaga at dapat ka lang magdusa.. pasensya na!
salamat at okei na tayo though im sure na malabo pang masundan yung inuman natin still masaya ko na balik na tayo sa dati’ .. di na ulit kita tatablahin pramis and hindi na rin ako papagatong sa mga salita ng iba na layuan kita dahil hindi ka deserving na sinasamahan para lalo ka magdusa.. etcetera etcetera then pagkalipas ng ilang araw mababalitaan ko yung mismong nagsabi nun kainuman mo na.. pis tayo!

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

1 thought on “maligayang pasko”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s