babaeng higante!

di ko alam kasalanan ko sayo.. di ko kahit minsan hinangad na magustuhan mo ko at wala akong pakialam kung ayaw mo sakin.. una hindi ikaw ang nagpapasweldo sakin at pangalawa hindi ko kailangan ng kaibigan.. sobrang dami ko na nyan.. plano ko ngang magbawas.. pumapasok ako para magtrabaho at hindi para makipagkaibigan.. at isa pa baliktarin mo man ang mundo.. lawakan mo isip mo’ sa posisyon nating dalawa mas kailangan mo ko kesa kailangan kita.. lilinawin ko lang at sana may makuhang sustansya yung ulo mo dito.. una kung sakaling hindi mo pa alam isang tao lang kami dito kada shift.. kaya kumbaga sa digmaan, isang sundalo kada gera.. so konting lawak uli ng pangunawa hindi ko na kailangan pang sabihin na hindi namin magagawang mag assist ng problema ng guests, magassist ng problema sa pc ng mga katrabaho at tumitig sa interface sa server room..ng sabay sabay..  isa isa lang! nung oras na tumawag ka na walang sumasagot nagaassist ako sa guest nun kaya hindi mo kailangang maging henyo para maisip na wala talagang tao dito nun.. at pakiusap ‘wag mong irason na:
“di ba kaya kayo nandyan para bantayan yang server?!”  ate’ parte yun ng trabaho namin pero hindi ibig sabihin na dun na mauubos yung walong oras namin.. may isandaan at kalahati pa kaming ginagawa bukod dun’ at isa pa, sa katotohanan kayo pa nga talaga ang kalimitan mag aabiso samin kung may diprensya ang system dahil kayo ang gumagamit nun at pagtapos nun dun na kami magtatrabaho para ayusin ‘yun.. hindi ko alam kung bakit ako lagi nahahagip ng pagpapower trip mo..  nalulungkot akong isipin na wala pa ako sa estado para makipag titigan sayo ng masama o sabayan ang pag iling ng ulo mo para ipakitang buwisit ka sakin..
isinusumpa ko na dumating tayo sa puntong yun.. kasabay ng pagsumpa ko na sana manganak pa ng lima yang nunal mo sa mukha..

sa huli hayaan mong iwanan ko sa’yo ang isang paalala na ito:
reminder

May-akda: Jon Cabron

mapanganib, nakakasakit.

4 thoughts on “babaeng higante!”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s