dahil ako si jon cabron..

8 02 2011

hindi dahil tao ka lang karapatan mo na ang magkamali at hindi porke’t nagpatawad ang diyos obligado na rin akong magpatawad.

naghain ka ng gera na ako mismo nagdududang kaya mong tapusin, kinalaban mo ako sa duwelo na laro na lang ang dating sa akin at  hinamon mo ako sa larong ilang beses ko ng pinanalunan. isang malaking hakbang ang kakailanganin mo para kalabanin ako sa larangan ng pagsusulat. at ako, kinakailangan ko pang humakbang pabalik para lang harapin ka. madalas na bastos kong hinaharap ang pagkakamali ko at wala akong modo pag alam kong ako ang nasa tama, habaan mo ang pisi mo dahil hindi pa tayo naguumpisa. kumbaga sa boksing papalapit ka pa lang sa ring namumutla ka na at bago ka pa humarap sa akin alam ko na kung saan ka titirahin, ganun akong lumaban, kung saan alam kong mas masasaktan ang kaharap ko dun ako sumusuntok. pag nagbigay ako ng respeto at hindi respeto ang ibinalik sa akin kinukuha ko ‘yun ng pwersahan. hindi ako kumakain ng pagkaing nginuya at iniluwa ko na at hindi ako nagbabalik ng bagay na ninakaw ko na. maraming pagkakataon na ang isang bagay na isinubo mo na kahit hindi magustuhan ng panlasa mo maoobliga ka ng lunukin ‘yun dahil iyon na lang ang natitirang paraan para matakasan ang pangit na lasa nun. ikaw ang biswal na reprisentante ng kung ano man ang ipinapasok mo sa bibig mo. ‘wag kang makipagtalo sa salamin na mas matalino pa sa’yo. inumpisahan mo ang gera na wala akong balak wakasan, titigil lang ako pag tinamad na ako.. pero ang mga salita ko ay parang sa isang ina na habambuhay tatatak sa isip mo at parang salita ng isang ama na habambuhay susugat sa pagkatao mo.

tama ang ginagawa mong kalabanin ako sa pamamagitan ng pananahimik pero maling umasa na sa ginagawa mong ‘yan mapapatahimik mo rin ako. masyadong makati ang utak ko at obligasyon kong kamutin ‘yun sa pamamagitan ng pagsusulat.


Mga Tugon

Kaalaman

15 sumagot

9 02 2011
kulay

ikaw pala ang tipo na hindi pupuwedeng ipasok sa isang laban na alam na alam mo ang pasikut-sikot palabas, dahil sa oras na malabasan mo ‘yun, sisiguraduhin mong kung sino man ang nagpasok sa iyo ay iipitin mo sa loob…

para ako lang. ‘chos! namiss kita ginoong cabron. kahusay! =)

10 02 2011
Jon Cabron

napakaporno ng sinabi mo pero totoo. salamat.

11 02 2011
kulay

walang anuhan. este! walang anuman.

9 02 2011
JON VERZOSA

Ika copy paste ko ito, gagawing pillbox (pasabog hindi lalagyan ng mga pills) at ipapadala ko sa ex kong nilapastangan lamang ang pagmamahal at pagkahibang ko sa kanya.

10 02 2011
Jon Cabron

dapat silang puksain!

10 02 2011
Maldito

itumba na yan bossing. leche siya.

10 02 2011
Jon Cabron

susugatan s’ya ng mga salita ko hanggang kusa s’yang matumba. oo, leche nga s’ya talaga

10 02 2011
foobarph

aba abaaaa

10 02 2011
Jon Cabron

aba abaaa andyan ka pa pala. haha

11 02 2011
foobarph

siyempre naman, kaw nga itong umalis sa wp eh, buti naman bumalik ka na ulit. miss mo kami no? :)

11 02 2011
Jon Cabron

hmmmnope?

11 02 2011
Arkhut

wow. buhay pa pala si ginoong cabron! coolness. nice to meet you again sir. back to the olde days from wp-pinoy forums! hahaha. :)

ayun. napadaan lang ho. amtalas pa din ng dila, nakakatalim. uso ba sa inyo sir ang name dropping? or clue man lang? aha! :)

11 02 2011
Jon Cabron

maligayang pagbabalik sa akin, ‘yung shannhost ang tinutukoy ko na naghost ng blog ko at si sherwin ‘yung palpak na may ari nun.

http://store.shannhosting.com/index.php

11 02 2011
Efbee

Masaya ito. Haha

Banatan na ‘yan!

11 02 2011
Jon Cabron

yehehehes!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.