bating panimula

4 02 2011

ako ang gumawa sa joncabron.com,
hindi joncabron.com ang gumawa sa akin.

at hindi pangalan kundi utak ang ginagamit ko sa tuwing nagsusulat.

ano na daw ba ang nangyari sa joncabron.com?
sa loob daw ng mahigit kumulang limang taon siguro inabutan na rin ng katamaran ang nagsusulat, siguro daw pati pagpapaalam ng maayos kinatamaran na rin kaya bigla na lang nawala.

sinabi ko na dati, hindi ako kahit kailan tatamarin magsulat. habang buhay mangangati ang utak ko at walang gamot dun kundi pagkamot.  isang mainit at maligayang pagbabalik sa akin dito sa luma kong bahay, kung saan nagsimula ang lahat.

hinahangad ko na kung gaano ako nasasabik magsimula ulit dito, ganun din ang sabik na nararamdaman ng dating host ng blog ko. seryosong bumilib ako nung binlocked mo ako sa facebook account mo para hindi na ako makapag padala ng mensahe sa’yo, napakahenyo kung papaano mo naisip ‘yun. naiimagine ko ang matalas na ngisi na kumawala sa gilid ng mga labi mo habang ginagawa mo ‘yun.

nung sinabi ko na hindi kita titigilan, hindi ako nagbibiro nun.
abangan ang susunod na kabanata.

Jon Cabron


Mga Tugon

Kaalaman

11 sumagot

5 02 2011
Lambing

maligayang pagbabalik ginoong cabron ^_^

5 02 2011
antuken

kasuya naman ang host mo.

6 02 2011
Jon Cabron

maraming salamat binibinis.

8 02 2011
jeck

maligayang pagbabalik kaibigang jon cabron! haha! kala ko mananatiling pribado tong blog mo na to. antagal kong naghintay makabasa ng blog post mo, ser. nyehehe

banatan mo pa yang ex-host mo. :D

9 02 2011
Jon Cabron

pansamantala lang siguro ako dito wala pa naman akong balak basta bahala na.

oo naman, ayun ang siguradong sigurado.

9 02 2011
neil

uy retro! ganito yung hitsura ng joncabron nung matisud ko. ok na to kesa sa wala. ba’t yung twitter naka protect na?

11 02 2011
Jon Cabron

salamat, dito muna habang wala pang naiisip na domain. open na ulit for public ‘yung twitter. enjoy’

9 02 2011
gasti

kaya pala bigla ka na lang nawala. sablay pala yung host.

nawala ba yung archive?

11 02 2011
Jon Cabron

may naitabi naman ako, pagdating sa entries e mga 95% siguro naitabi ko.

9 02 2011
potsquared

welcome back po sir jon.. akala ko napasakay ka ng taxi sa dubai at na hostage ng mga bading na may mahabang balbas.. pero ngayong nagbabalik ka.. hayaan mong bigyan kita ng flying kiss na walang malisya..

11 02 2011
Jon Cabron

mabuti na lang at hindi, haha. awww salamat potski

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.